Chapter 35

46 3 0
                                    

Chapter 35

Halos isang oras din ang itinagal ng biyahe mula Bulacan hanggang Nueva Ecija. Medyo nainip ako dahil wala akong magawa sa loob ng sasakyan.

Church wedding ang theme ng kasal nina Mama at Papa. Noong una, I suggested garden wedding, but... they refused. Gusto raw nila sa simbahan.

We arrived at Three Kings Parish at exactly eight AM. Prepared na ang lahat, pati ang reception.

"You may kiss the bride..." Anunsiyo ng pari kaya humarap na sina Mama at Papa sa isa't-isa.

Masaya ako ngayon but not that... happy. Occupied kasi ako dahil hindi pa rin maalis sa isipan ko ang kinwento sa'kin ni Francine kahapon. At gaya niya, hindi ako makapaniwala na nangyari kay Jericho 'yon.

He got into an accident after their fight. As a result, na-comatose siya. And the worst part is... si Francine ang sinisisi ng family niya because of that tragedy.

That is so... depressing. Hindi ko na gugustuhin pang kwestiyunin ang behavior ni Frans ever. 

"Hey..."

Lumingon ako sa katabi ko.

"Hmm?"

"Bakit nanggigilid na 'yang luha mo?"

Bahagya akong nagulat at hinawakan ang pisngi ko.

It's wet, just like what he said.

"Uh... wala." Pinunasan ko ng panyo ang luha ko.

"Nasira na ang make-up mo. Ikaw ba ang kinasal, huh?"

I'm the maid of honor, so... nakaayos ako ngayon. Itong si Mikel kasi, he refused to be the best man. He said that kapag nagsuot siya ng ganoong klaseng damit, sa mismong kasal na naming dalawa.

Corny, pero... kinilig ako.

Weird.

"Todo ang alaga at suporta ko sa'yo tapos iiyak ka lang nang ganiyan?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Alaga at suporta? Bakit? Magulang ba kita?"

Ngumisi siya at umiling. "Asawa lang."

Hinampas ko siya sa balikat. "Asawa mo mukha mo!"

"Ang ganda mo pala magalit..." He chuckled.

"Nang-iinsulto ka ba?"

Natatawa siyang umiling. "That's a compliment, baby. Stop fighting with me. Nasa loob tayo ng simbahan."

"Whatever you say..."

Matapos ang kasal, nag-picture-picture muna kami saglit. After that, dumiretso kami sa reception. Sa mansion lang nina Mama ang kainan. Hindi naman 'yon kalayuan sa simbahan kaya't mabilis lang kaming nakarating doon.

This is my first time in Nueva Ecija. Wala akong alam sa mga lugar dito. Wala rin akong kilalang mga relatives sa side ni Mama kaya... medyo awkward pa ang paligid para sa'kin.

Kung wala si Mikel dito, malamang ay wala akong kausap ngayon. Sina Diana at Francine kasi ay hindi raw makakapunta. May outing sina Diana kasama ang family niya habang si Francine naman ay—you know, nasa ospital pa rin, nagbabantay.

"Ito na ba ang anak ni Arthur?" Dinig kong tanong ng isang matandang babae habang papasok ako sa mansyon.

Natuon ang paningin ng lahat sa'kin.

"Aba'y kagandang bata niyan, ah!"

Nagpatay-malisya lang ako at saka nagdire-diretso sa sala. Naupo ako sa sofa dahil sa pagod na kanina ko pa nararamdaman.

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon