Chapter 20

47 5 4
                                    

Chapter 20

Nag-stay lang ako sa ospital nang tatlong oras dahil maya-maya'y dumating na rin sina Tita Dinna. Aniya'y umuwi na ako dahil baka hinahanap na ako ni Papa. Agad naman akong sumang-ayon doon dahil sa tingin ko'y nakabalik na si Papa mula sa Nueva Ecija.

That's just a guess... though. Hindi ko rin alam when would he exactly come back.

"Huh?" Palabas na ako ng ospital at papara na sana ng isang tricycle nang mapansin ang isang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan.

Kumunot ang noo ko. Sinundo niya ba ako?

"Mikel!" Kumaway ako para makita niya ako.

Humarap siya sa'kin at tinanggal ang shades na suot niya.

Agad akong tumakbo papalapit sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito?"

Kumurap siya. "Sinusundo ka."

Sumimangot ako. "I texted you. Hindi ba sabi ko sa'yo ay huwag mo na akong sunduin?"

"Pwede ba naman 'yon?"

I sighed. "Sige na, umuwi ka na. Magta-tricycle na lang ako."

Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

"Naiistorbo na kita..."

Pinasundo niya ako kahapon sa school at pinatulog sa bahay nila. Nagpahatid pa ako kaninang umaga kaya heto, hiyang-hiya na ako ngayon.

Hello? Hindi naman na kami mag-best friend gaya ng dati.

"You will never be a disturbance..." Mariing sabi niya.

"I am."

"Hindi nga."

"Magta-tricycle na lang ako."

Umiling siya at kinuha ang bag na kanina ko pa bitbit. "Come on, hop in."

"Sabi nang--"

"Pagtatalunan pa ba natin 'to? Sumakay ka na sa loob." Sabi niya sabay bukas ng pinto ng kotse.

Napailing ako.

Ano pa bang choice ko?

🌧🌧🌧

"Pasok ka na sa loob." Yakag ko kay Mikel pagkarating namin sa bahay.

Papakainin ko na lang siya, pampalubag-loob man lang.

"Sige."

Pagkapasok namin sa loob, halos mapunit ang labi ko kakangiti nang makitang nakauwi na sila Papa at Mama. Mama left last night since she went to fetch Papa.

"Mama! Papa!" Niyakap ko silang pareho. "I missed you!" I kissed both of their cheeks.

"I missed you too, prinsesa ko." Papa kissed my cheeks. "Sorry kung wala kang nakasama sa bahay these past few days."

I smile. "Okay lang po."

"Oh? Kasama mo pala si Mikel? Halika rito, hijo."

Lumapit si Mikel at nagmano kay Papa at Mama. "Hi po... Tito, Tita."

"Ito na ba si Mikel?" Nakangiting tanong ni Mama. 

Sabay kaming tumango ni Papa.

Ito kasi ang first time ni Mama na makita si Mikel. Palibahasa'y puro kwento lang ang alam niya dahil abot ang daldal ni Papa tungkol sa kaniya noon.

I nodded. "Siya nga po."

"Ang gwapong bata naman nito."

Papa chuckled. "Anak ni Michaella 'yan."

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now