Chapter 55

35 4 2
                                    

Chapter 55

"Tang ina mo, lasing ka na!" Ramdam kong may sumampal sa'kin, kaliwa't-kanan.

Napangisi ako at saka tinapik siya sa balikat. "Hindi ako lasing. Huwag kang OA."

Sinampal niya ulit ako. "Anong hindi lasing? Eh susuray-suray ka ng tangina ka!"

"Ano ba?!" Pagpalag ko. "Bakit ba sampal ka nang sampal sa'kin, ha?! Kotang-kota na ang pisngi ko sa'yo!"

"Jusko." Napahimas ng sentido ang best friend ko. "Bakit ba kasi nag-inom-inom ka pa, eh!"

It's 9 PM... I think. Kanina pa kaming six nandito ni Diana sa bar. Ewan ko ba't naisipan kong pumunta rito, masiyado lang siguro akong stressed at denial sa mga nangyayari.

Kanina pa rin ako inom nang inom. Hindi ako lasing, I'm just tipsy. Ilang shots pa lang ang naiinom ko pero umiikot na ang paningin ko. Hindi kasi ako mahilig sa ganitong mga night outs at pagba-bar kaya ang bilis ng epekto ng alak sa'kin.

I licked my lower lip and stood up. Gusto kong magsayaw!

"Woah..." Napakapit ako sa stool na inuupuan ko kanina. I feel so dizzy.

Should I try drinking alcohol for at least a week? Para naman hindi ako ganito kahina uminom.

"Careful!" Inalalayan ako ni Diana. Sa aming dalawa, mukhang siya na lang ang nasa maayos na lagay. Tipsy na kasi ako. Ilang beses ko na ba nasabi iyon, anyway?

"Come on! I can handle myself!" Bugnot kong sabi sabay tabig sa kamay niya. "I'm just having fun here!" I swayed my body. I feel like dancing all of a sudden.

"Having fun mo mukha mo! Halika na! Iuuwi na kita!"

Umasim ang mukha ko. "You're such a killjoy! Hindi ako uuwi, 'no!"

"Hindi pwede! Baka hinahanap ka na ni..."

"I don't care!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi nila ako hahanapin kasi wala silang pakialam sa'kin! They all lied to me! Wala silang pinagkaiba!"

She frowned. "Hindi naman si Tita Chiena ang tinutukoy ko. Si Tro—"

"Tsh! Isa pa ang lalaking 'yon!" Natatawa kunwaring singhal ko. "Ang tagal-tagal na naming magkasama at magka-live in pa! Tapos... pinagdududahan pa rin niya ang nararamdaman ko sa kaniya? Ang kapal ng mukha niya! Mapanakit siya!"

"Mukhang kailangan na talaga kitang iuwi..."

Sininghalan ko siya. "Hindi! Hindi ako uuwi! Makikita ko lang ang lalaking 'yon kung uuwi ako! Ayokong umuwi!"

"Ayusin niyo 'yan!" Aniya. "Hindi solusyon ang paglalasing sa problema niyong dalawa. Mag-usap kayo, that's the least you can do. Stop wasting your time here!"

I rolled my eyes. Mag-usap? The hell with that! "Hindi siya nakikinig sa'kin kahit anong paliwanag ko! Ano pang silbi ng pagpapaliwanag? Wala! At saka... hindi ba, sinabi ko na sa'yo? Break na kami! I called him a few minutes ago, nakita mo naman!"

Hindi niya pinansin ang huli kong sinabi. Palibhasa, hindi naniniwala that I meant what I said. But I really did! Kaunti pa lang ang naiinom ko that time so I am totally sane!

I am just... done. Ayoko ng ganoong relasyon.

"Eh... totoo naman ba kasi?"

Kumunot ang noo ko. "Ano ang totoo?"

"Na kaya ka nagagalit ay dahil pinaghiwalay niya kayo ni Mi—"

"Pati ba naman ikaw?!" Nanlisik ang mata ko. "Ang tagal-tagal na niyon, bakit kailangang balikan pa?! Wala na akong feelings sa kaniya!"

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon