Chapter 57

29 4 0
                                    

Chapter 57

Mabilis na lumipas ang isang linggo. Akala ko, magiging okay na si Papa pero... hindi pa pala.

He's still in the same hospital. He can't be discharged as per the advice of his doctor, Troviance. Ang laki kasi ng epekto sa kaniya ng stroke kahit na mild lang 'yon. Nahihirapan siyang magsalita, lumakad o kahit na anong pagkilos.

I'm also a doctor pero hindi pumasok sa isip ko na this will happen to Papa. I thought he'd be okay once he woke up.

May pagkakataon pa ngang naiiyak ako dahil sa kalagayan niya. Bigla na lang kasi pumapasok sa isip ko na baka hindi na siya gumaling, baka hindi na niya kayanin ang lahat, and other negative thoughts na siyang nagiging dahilan para ma-down ako.

I am brave. Lagi kong pinapalitan ng positive thoughts ang mga naiisip kong bagay and somehow, I think... it worked?

Halos araw-araw na akong nasa ospital at hindi pumapasok sa clinic. Lagi kong binabantayan si Papa at inaalagaan siya. Katulong ko naman si Troviance so hindi ako masiyadong nahihirapan.

At dahil nga hindi nakakapasok si Papa sa trabaho niya, walang nag-aasikaso sa mga iyon. Hindi pwede si Mama dahil wala siyang alam sa ganoon. Hindi rin pwede si Kuya Caleum dahil nag-aaral ulit siya for engineering course. At mas lalong hindi pwede si Lux dahil ang bata niya pa para mag-manage ng business.

Wala naman na kaming pwedeng pakiusapan dahil wala kaming kamag-anak na business minded. They're only interested in agriculture.

Nagsabay-sabay dumating ang mga problema sa buhay namin. Ang hirap isipin na parang matatagalan pa si Papa sa ospital bago maipagpatuloy ang normal niyang buhay.

"Magha-hatinggabi na, ah? Hindi ka pa ba uuwi?" Nag-aalalang tanong ng stepmom ko sabay hawak sa balikat ko.

Binabantayan kong matulog si Papa. Kapag kasi may emergency, wala siyang mahihingan ng tulong since na-diagnose si Mama with sleeping disorder recently. Kapag natutulog siya, hindi siya magising hangga't hindi pa nakalilipas ang eight hours.

Ngumiti ako. "Kayo po ang matulog, 'Ma. Para magising kayo agad nang maaga bukas."

"Oh... sige. Sigurado ka, ha? Basta matulog ka na rin."

Tumango ako. "Didiretso pa po ako sa opisina ni Papa maya-maya, iche-check ko lang 'yung mga paper works niya roon."

Nagulat siya. "Gabi na..."

"Okay lang po." I sincerely answered. "I can handle that. And besides, kahapon pa po tawag nang tawag 'yung secretary ni Papa, kailangan na raw pong mapirmahan 'yung mga papers doon. Medyo marami ring aayusin bukas, so... ako na lang po ang pipirma under Papa's signature. With consent naman na po 'yon, so... no worries."

Napangiti ang stepmother ko at hinaplos ang buhok ko. "You really are a blessing to your father. Kahit sinong magulang ay hihilinging maging anak ka."

Yeah, but not my real mother. Hindi ko na naitago ang pait sa ngiti ko.

"Sige po, tulog na kayo. Mapupuyat na kayo niyan."

She nodded. "Thanks, and sorry. Hindi man lang ako makatulong sa office. I feel so useless."

Tinapik ko ang balikat niya. "You're not useless." I smiled. "Go, sleep, 'Ma. You need to wake up early. Mami-miss ka niyan agad ni Papa."

She giggled. "Oo nga, 'no? Sige, makatulog na nga."

Napahigikhik na lang din ako nang magmadali si Mama na humiga sa sofa ng ospital.

Sana matapos na 'to. The problem... the pain. I want to throw this away from my life.

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon