Chapter 12

52 3 0
                                    

Chapter 12

Hindi ako makakilos dahil sa pag-aalala habang nakatingin sa nagkalat na mga piraso ng vase sa sahig.

Tita Michaella will surely get mad at me!

"Ma'am, sorry... hindi ko po kasi alam na takot kayo sa butiki."

Napasinghap ako. Ano pa bang magagawa ko?

"It's okay, Ate Wendy..."

Nagulat ako nang mamasa ang mata niya.

"Ma'am, pinakapaboritong vase po iyan ni Madam. Ano na pong gagawin ko?" Mangiyak-ngiyak niyang sabi.

Kung tutuusin, kayang-kaya ko namang palitan ang vase na 'yan. If I'm not mistaken, pumapatak ang presyo nito mula 600k to 700k--and maning-mani lang 'yun kay Papa. However, I can't afford to buy one instantly! Darating na sila Tita maya-maya!

"Don't cry..." Nakukonsensiyang sabi ko. "Hindi mo naman kasalanan, eh."

"Ma'am, a-ayoko pa pong mawalan ng trabaho."

Mas lalo tuloy akong na-guilty. Wala naman siyang kasalanan, eh. Ako ang may hawak ng vase kaya pananagutan ko 'yon.

"You have nothing to do with this mess, Ate Wendy. Hindi ka mawawalan ng trabaho, alright?"

"Pero M-Ma'am..."

"Kuha mo?"

"O-Opo."

"Oh... siya, tulungan mo na lang akong linisin ito. Baka maabutan pa tayo ni---"

"Wendy?"

Napatakip ako ng bibig nang may kumatok sa pinto.

Shit!

Baka si Tita na iyon!

Lalo kaming nataranta ni Ate Wendy.

"Akala ko ba ay mamaya pa siya?" Bulong ko kay Ate Wendy.

"Hindi ko rin po alam, Ma'am."

"Wendy? Nandiyan ka ba sa loob?" Tanong ulit ni Tita.

"O-Opo!" Halos manginig na siya sa takot.

Ganoon ba talaga kalupit si Tita Michaella?

"Ano bang ginagawa mo riyan?"

"N-Naglilinis po..."

"May kukunin ako sa loob."

Nanigas na si Ate Wendy sa kinatatayuan niya. "Pero Madam, n-naglilinis pa po ako..."

Pa'no na 'to?

Ang tagal na noong huling magkita kami ni Tita Michaella. It's been years! Hindi ko alam kung may nagbago na ba sa ugali niya o ano!

From what I can remember... she was kind before. Hindi ko lang alam kung ganoon pa rin siya ngayon.

"Saglit lang naman 'to. I won't disturb you."

"Pero, Ma'am--"

"Basta, papasok na ako!"

Dahang-dahang bumukas ang pinto.

Shit.

Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Tita nang makita ang nagkalat na piraso ng vase niya sa sahig.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa basag na vase at sa amin ni Ate Wendy.

"What the hell?!" Malakas na bulyaw niya.

Okay... that was really loud.

"Ma'am, pasensiya na po--"

"What the hell did you do to my favorite vase?!"

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now