Chapter 30

47 3 1
                                    

Chapter 30

I'm so occupied. Mula kanina, hanggang ngayong papauwi na ako sa bahay... lumulutang lang ang utak ko.

Sino namang hindi, 'di ba? Considering what happened during the last few minutes... paniguradong mababaliw na ako any moment from now!

Basang-basa pa rin ang gown ko due to the heavy rain. Good thing Mikel let me ride on his car. He even took me home kahit na... ganito ang situation namin.

Bumaba siya ng sasakyan niya at pinagbuksan ako ng pinto. "Salamat."

"Is it okay if I'll go inside?"

Tumango ako.

"Let's go. Baka pagalitan ka pa ni Tito kapag nakita niyang basang-basa ka."

Sabay kaming pumasok sa bahay. It's already past midnight, so... I'm expecting that Mama and Papa are now sleeping.

Well, turns out that... I was mistaken.

"Surprise!" Sigaw nilang pareho pagkabukas ko pa lang ng pinto.

"Ano pong meron?" Takang tanong ko. Hindi ko naman kasi birthday at wala namang espesyal sa araw na ito.

"Wala lang. Parang ang ganda lang mag-celebrate." Ani Papa at inilipat ang tingin kay Mikel. "Oh, hijo? Nandiyan ka pala? At saka... bakit basang-basa kayo ng anak ko? Wala bang bubong ang gym at naligo kayo sa ulan?"

Ngumisi ang loko. "Kay Charmaine niyo na lang po itanong 'yan. Sumaglit lang po talaga ako dito dahil... may sasabihin ako."

Kumunot ang noo ni Papa. "Ano ba 'yon?"

"Gusto ko po sanang humingi ng permiso para ligawan ang prinsesa niyo."

Nasamid tuloy si Mama na kasalukuyang umiinom ng soft drinks.

He's so straightforward!

"Mikel!" Saway ko sa kaniya.

Nanlaki ang mata ni Papa at saka tinignan nang mataman si Mikel.

"Manligaw?" Nanlalaki ang butas ng ilong na singhal ni Papa. "Last time I checked... magkaibigan lang kayo, ah?"

"Iyon nga rin po ang akala ko..."

"Sigurado ka bang manliligaw ka?"

"Never been as sure as before..." Kumunot ang noo ni Mikel. "Why? What's wrong? Bawal po ba, Tito?"

"Hindi naman sa gano'n. At saka... pinayagan ka na ba ng anak ko?"

Hindi sumagot si Mikel at saka tumingin sa'kin.

Napakurap ako. 

Ano na?

Sa totoo lang, nag-aalangan ako. Oo, gusto ko si Mikel, I am honestly certain with that thing. Pero kasi... natatakot na akong sumugal. Natatakot na akong maiwan. Natatakot na akong masaktan--- lalo na't my last heartbreak was because of him.

But actually... pwede naman na akong pumayag dahil hindi pa naman kami. He said it himself, manliligaw pa lang siya. Hindi ko naman siya kaagad sasagutin. Anong akala niya sa'kin? Walang pagpapakipot?

Ugh! Ano ba talaga?!

"Naku..." Pumalatak si Papa. "Mukhang ayaw yata ng anak ko, ah?"

"It's okay, Tito. Kahit hindi po pumayag itong prinsesa niyo, araw-araw ko pa rin po siyang liligawan."

Umangat ang sulok ng labi ko. 

Anong sense ng ginawa niyang surprise kanina, kung ganoon?

"I like your motivation, hijo. That's the spirit! Hindi agad-agad sumusuko!" Sabat ni Mama.

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now