Chapter 4

77 3 1
                                    

Chapter 4

Wala ngayon sina Mama at Papa dahil pupunta silang Maynila. Sobrang saya ko tuloy dahil si Lola lang ang magbabantay sa'kin.

Madali kasing takasan si Lola, hehehe.

Tag-ulan na naman. Ito ang pinaka-paborito kong panahon sa lahat.

Gustong-gusto kong naliligo sa ulan. Gusto kong naririnig ang pagbuhos ng ulan. Gusto kong nakikita kung paanong sumayaw ang mga puno sa t'wing dadaan ang malakas na hangin. Kahit hindi ako pinapayagan nina Mama at Papa, nagpupumilit pa rin ako.

I love rain.

"Ikaw na bata ka! Bumalik ka nga rito!" Hinihingal na sigaw ni Lola sabay habol sa'kin.

Mas binilisan ko pa ang takbo at nilingon siya. "Bleh!"

"Diyos kong bata ito! Maaga akong mamamatay dahil sa'yo!"

"Saglit lang po ako! I love you, Lola!" Sigaw ko pabalik.

"Charmaine! Baka magkasakit ka!"

"Hindi po!"

Masaya akong nagtatakbo sa kalsada habang patalon-talon pa. Sa wakas, nakatakas ako!

Inilabas ko ang papel kong bangka na ginawa ko kanina at inilapag sa basang kalsada. Medyo malalim ang tubig ngayon kaya magandang magpaanod ng bangkang papel.

"Wooh!" Sigaw ko habang sinusundan ang bangka kong inaanod.

Sana ganito na lang palagi.

Tatawa-tawa kong pinagmamasdan ang paligid.

Simula nang magsimula ang tag-ulan, ngayon na lang ulit ako nakaligo sa labas. Lagi kasi akong bantay-sarado kina Mama at Papa.

Ayaw daw nila akong magkasakit.

Nagtataka nga ako, eh. Paano naman ako magkakasakit eh matatanggal nga ang germs ko sa katawan kapag naligo ako?

Ang gulo nilang pareho. Hays.

"Oh!" Napasigaw ako nang makitang masusuot na sa kanal ang bangkang papel ko.

"Naku! Ano ba 'yan!" Mas binilisan ko pa ang takbo para maabutan ang bangkang papel ko pero huli na ang lahat.

Tuluyan na itong na-shoot sa kanal.

"Waah! Bakit?!" Mangiyak-ngiyak kong sabi sabay salampak sa kalsada.

Pinaghirapan ko 'yun, eh!

Halos isang araw kong ginagawa 'yung bangka na 'yon dahil kung anu-anong tupi ang pinagagawa ko! Kun'di pa nga ako tinulungan ni Kuya Caleum ay hindi ako makakagawa!

Tapos nahulog lang sa kanal? Hindi pwede!

Minsan na nga lang akong maliligo sa ulan tapos ganito pa ang mangyayari?

"'Yung bangka ko! 'Yung bangka ko! Huhuhu!" Paulit-ulit kong sabi habang nagpupunas ng sipon. "Waah! Bakit gano'n?! Nahulog! Ayoko na! Ayoko nang maligo! Huhuhu!"

Tatayo na sana ako para makauwi sa bahay, ngunit... bigla akong nadulas. Napahawak ako sa balakang ko at mas lalo pang napaiyak.

"Waaah! Aray!" 

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon