Chapter 10

60 4 1
                                    

Chapter 10

Mikel let us ride with him since may bibilin din daw siya sa mall. It was not my decision to make, so... it is what it is. Wala naman akong magagawa, wala akong choice... at wala akong karapatang magreklamo dahil tinutulungan na niya kami.

Kaysa naman mabulok kami roon sa bukid na iyon, 'di ba?

"Salamat talaga, hijo. Kung hindi ka dumating, malamang hindi na kami makakaalis ng prinsesa ko roon." Galak na galak na ani Papa.

Ngumiti naman si Mikel.

"Anytime, Tito."

"Hindi ko alam na nakabalik ka na rito sa Pilipinas?" Tanong ni Papa.

Natawa siya. "Actually, two weeks pa lang po kami rito."

Humarap sa'kin si Papa. "Alam mo rin ba na nandito na si Mikel, anak?"

"Ah---"

"Alam na po niya, Tito. In fact, we are in the same class."

Napairap ako. Siya ba ang tinatanong?

"Oh?" Gulat na bulalas ni Papa. "You enrolled in Shamxia?"

Tumango si Mikel. "This week lang po ako nag-start pumasok."

"Paano mo naman naging kaklase ang anak ko? Sa pagkakaalam ko'y senior high school ka na, ah?"

We are thinking the same, Papa.

"Long story, Tito..." Aniya sabay sulyap sa'kin.

Nang-aasar ba siya?

"Make sure na ikukwento mo ang long story na iyan sa akin, Mikel..."

"Of course, Tito."

Humarap sa'kin si Papa. "Bakit hindi ka nagsasalita riyan? Hindi mo ba na-miss si Mikel?"

"Hindi po." Diretsong sagot ko.

What's the sense of denying, right?

"Sus, ang prinsesa ko talaga. Nagsisinungaling pa."

Sumimangot ako. "I'm not."

"Kaya pala halos isang baldeng luha ang naiiyak mo noong---"

"That was just before, Papa. Don't bring the past back." Naiinis ko nang sabi.

Ayokong malaman niya kung gaano ako naging miserable noon. Hindi na siya parte ng buhay ko ngayon. End of discussion.

"Ikaw, hijo? Hindi mo ba na-miss ang anak ko?"

Napabuntonghininga ako. 

Bakit ba ganito ang mga tanong ni Papa? I mean, he's supposed to be angry at Mikel! Kung magsalita siya, parang isang linggo lang akong iniwan ng tarantadong 'to!

"Na-miss po."

Miss mo mukha mo!

"So, nagkausap na kayo?"

"Not... yet." Sumulyap siya ulit sa'kin.

"You two should talk--para magkalinawan kayo."

"I don't think now's the good time for that, Tito."

"Is there a problem? Hindi ka ba pinapansin ng anak ko?"

Suminghap siya. "I understand that thing, Tito."

I rolled my eyes.

He doesn't have to, really. And I don't want him to do that!

Bakit pa niya ako kailangang intindihin? As if we are just got into some simple fight na kayang solusyunan ng suyo!

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon