Chapter 14

54 4 1
                                    

Chapter 14

Mabilis na lumipas ang weekends, Lunes na naman.

Sa totoo lang, may mga araw talaga na tinatamad akong mag-aral---gaya na lang ngayon. I feel like... my brain doesn't want to absorb any information.

I sighed.

Kung tutuusin, pwede namang hindi ako pumasok dahil mayaman naman kami. Kaya lang... baka ipatapon ako ni Papa sa kalsada kapag gano'n ang ginawa ko.

Well... mas maganda naman kasi kapag may formal education ka. It's for your own good. Mas maraming opportunities and possible careers, maraming pwedeng fields that you can explore... and so on. 

However, it doesn't mean that we should always feel motivated kapag nag-aaral. Mayroon talagang mga ganitong days wherein--you are too lazy to do anything. Hindi nakikisama ang buong katawan mo kahit pilitin mo, ganoon.

"Kanina ka pa tulala riyan, ah?"

Napabuntonghininga ulit ako. I guess... it's the seventh time already?

Wala namang partikular na tumatakbo sa isip ko ngayon, sadyang... kulang lang talaga ako sa tulog.

"Pa'no na itong project natin kung nakatitig ka lang sa labas?"

Siniringan ko si Francine. "Ang ingay mo."

"Wow, ah? Ngayon nga lang ako nagsalita, eh."

"Tulala lang ako, hindi bingi, tandaan mo 'yan."

We have our vacant time, so... may konting oras pa to do our project. Kanina niya pa nga ako kinukulit about that, hindi ko lang siguro masiyadong naririnig.

I'm too occupied to think of... nothing.

Yes, that's weird. My thoughts are always weird, anyway.

"Ano ba kasing iniisip mo?"

"Wala naman..."

"Imposibleng wala."

I rolled my eyes. "Iniisip ko kung paano mag-sneak ng shabu sa classroom. Ano? Okay ka na?"

She laughed. "Kaya pala, ah..."

"Tigilan mo nga ako." 

"I'm just saying... we should start working. Tignan mo ang iba nating mga classmates..." Tinuro niya ang mga kaklase namin na busy sa kani-kanilang mga trabaho. "They are making progress. Tayo... mukhang medyo malayo pa sa katotohanan."

Ewan, wala talaga ako sa mood for some reason...

"What are you planning to do, then?" Hamon ko.

"The outline... designs. Lahat muna ng mga madadaling gawin. Ang mga details... saka na. Kapag malapit na ang deadline."

Bahagya akong natawa. "Galing..."

"Bakit? Kaya naman natin iyon. Mas maganda kapag gahol tayo sa time, mas magiging pressed tayo sa paggawa."

"Okay, okay..." Tumayo na ako at saka sinukbit ang bag ko.

"Oh, saan ka pupunta?"

"Aalis, hindi mo ba nakikita?" Sarkastikong sabi ko at tinalikuran siya.

"Oy, oy! Pa'no na 'yung project natin?" Sigaw niya, akala mo namang tatakasan ko ang pagiging estudyante ko.

"Magsimula na tayo pagbalik ko. Magsi-CR lang ako." Kanina ko pa kasi nararamdamang nanlalagkit ako kaya gusto kong i-check kung dinatnan na ba ako ngayong buwan.

Wala pa naman akong dalang napkin.

Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa banyo. Binaba ko ang bag ko sa gilid ng sink at saka pumasok sa isang cubicle. Tahimik akong nanalangin na sana'y hindi ako datnan, pero... mukhang mapapa-hashtag mission failed ako today.

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα