Chapter 1

161 6 8
                                    

Chapter 1

"Charmaine!"

Inihinto ko ang pagta-type sa laptop ko nang marinig ang boses ng kaibigan ko rito sa school, si Diana.

Kasalukuyan akong gumagawa ng powerpoint presentation ng group namin. Natural, ako lang ang matino sa grupo kaya wala akong choice kun'di ang gumawa nito.

Labag man sa loob ko.

"Hoy! Charmaine!" Tawag niyang muli sa'kin.

Iritado ko siyang tinignan. "Ano?"

"Hindi ka man lang ba magla-lunch? May klase na tayo after ten minutes."

I took a look at my watch. It's already 12:50 pm. At tama si Diana, ten minutes na nga lang tapos na ang lunch break namin.

Napasimangot ako. Gustuhin ko mang umalis dito sa kinauupuan ko, hindi ko magawa. Ayoko talagang ihinto ang ginagawa ko hangga't hindi pa ako tapos. Baka mawala pa ang mga ideas na mayroon ako sa utak ko. At isa pa... wala kaming vacant. Paano ko ito maitutuloy mamaya?

"Busog pa 'ko." Sagot ko na lang kahit na may nagwawala ng tigre sa tiyan ko. Usually, natitiis ko naman kapag nagugutom ako, so... maning-mani na lang sa akin ang ganitong klaseng mga situations.

"Sus! Busog ka?"

"Yeah..."

"Ulol! Pa'no ka naman mabubusog eh hindi ka nga nag-recess kanina!"

Natahimik ako at napahinto sa pagta-type.

Of course, she knows. Daig pa niya ang CCTV kung mag-surveillance sa akin... at sa paligid niya.

Diana will surely tell this thing to my father. At ang kasunod? Mag-aalala siya. Ayoko pa naman na nagiging worried si Papa because he's becoming so overprotective to me. Others may find that nice but for me, it's not.

Hello? Lahat kaya ng over ay masama!

"Kumain ako ng tinapay." Kunot-noong sabi ko, nagpapalusot.

"Kunwari na lang naniwala ako." She rolled her eyes. "Kukutusan talaga kita kapag ikaw nagka-ulcer!"

"Ulcer agad?" Asik ko.

"Oh, bakit hindi ba?!"

I sighed.

Ang kulit na naman niya.

"Fine, Kakain na ako! Okay ka na?" Kunwaring inis na sabi ko. "Baka mamaya kung anong sakit pa ang i-diagnose mo sa'kin."

Pumalakpak siya. "Great! Wala kasi akong kasabay, eh!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Kaya naman pala nagyaya, eh..."

"Uy, hindi ah! Nag-aalala lang talaga ako sa'yo."

"I know..." Mayabang kong sabi. "Let's go!"

Marahan kong isinara ang laptop ko at nilagay ito sa aking bag. Tahimik akong tumayo at nagdire-diretso palabas ng library.

"Bilis!" Patakbo kong hinila si Diana papuntang canteen. We're taking too much time, five minutes na lang ang natitira sa lunch break namin!

Dapat ba ay hindi na ako sumama sa kaniya?

"Dito ka lang." Anang kaibigan ko sa akin. "Kukunin ko na yung pina-reserve ko." 

I nodded. "Go ahead." 

Umupo ako at pinanood si Diana na sumiksik sa animo'y sardinas na mga estudyante. I'm not even surprised about it. Paano ba naman ay halos araw-araw ganito ang naaabutan kong scenario sa canteen. Ang damot kasi sa facilities ng university namin. Alam naman nila na maraming nag-e-enroll na students dito but they still have the nerve to give us small ass buildings.

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now