Chapter 6

68 3 1
                                    

Chapter 6

"Mikel!" Inis na tawag ko sa kaniya.

"Ano?"

"Akin na sabi 'yan, eh!" Turo ko sa hawak niya.

"Bakit?"

"Anong bakit?! Eh gusto ko ring magpalipad ng saranggola, eh!" Sigaw ko.

Kanina pa kami rito sa bakanteng lote. Ako ang nagyaya kay Mikel na pumunta rito dahil gusto kong magpalipad ng saranggola.

Pero ang walang hiya, ayaw ipahiram sa'kin 'yung saranggola! Mas nag-enjoy pa siya kaysa sa'kin! Nakakainis!

Isusumbong ko siya kay Papa mamaya. Humanda siya.

"Ano? Gusto mong kumain ng tinola?!" Sigaw din niya.

Anong tinola ang pinagsasabi nito?

"Tinola ka riyan! Ako ka 'ko ang magpapalipad ng saranggola!"

"Hindi pwede!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "At bakit hindi?!"

"Eh kasi nga, baby ka pa!"

Ayan, diyan ako naaasar. Sa t'wing may mga gagawin akong bagay na gusto ko, lagi niya akong pinagbabawalan at sinasabihan na baby pa ako.

Maitanong ko lang.

Gano'n ba talaga ka-cute ang mukha ko?

"Anong baby? Ang laki-laki ko na, oh!" Singhal ko.

"Hindi naman kasi literal na baby..."

"Eh ano ba?"

Ngumisi siya. "Baby ko."

Bwisit. Pakiramdam ko tuloy ay namula nang todo ang pisngi ko.

Sa loob ng ilang mga taon, walang nagbago sa'min ni Mikel. Well, pwera na lang sa tawag ko sa kaniya. Sabi niya kasi sa'kin, tanggalin ko na raw ang kuya, Mikel na lang daw. Isang taon lang naman kasi ang tanda niya sa'kin.

Napapadalas pa rin ang pagligo namin sa ulan, as usual. Tampisaw rito, tampisaw riyan. Ganiyan ang lagi naming ginagawa. Hindi na rin siya masiyadong nagkakasakit kaya naman hindi na ako napapagalitan ni Mama.

"Tsk." Napalingon ako sa kaniya.

"Bakit?"

"Sumabit 'yung saranggola..." Itinuro niya ang puno ng kawayan. Nandoon nga ang saranggola, nakasabit sa pinakataas.

Sumimangot ako.

Wala na! Hindi na talaga ako makakapagpalipad! Sa tingin niya kaya'y makukuha pa niya 'yon?

Pinaghahampas ko si Mikel sa balikat dahil sa inis. "Leche! Bwisit ka!"

"Aray--bakit ba?" Daing niya.

"Anong bakit ba?! Tignan mo ang ginawa mo! Hindi na ako makakapagpalipad ng saranggola dahil sa'yo!"

Alam niya naman na sobrang hilig ko sa mga ganitong bagay tapos... nakuha niya pa akong asarin kanina? Nabura tuloy ang excitement ko at napalitan ng sama ng loob.

"Huy, sorry na..." Malambing na tawag niya sa'kin.

Hmp! Bahala ka riyan!

"Baby, sorry na."

Akala mo ba makukuha mo ako sa paganiyan-ganiyan mo?

"Baby."

Bleh! Mukha mo!

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now