Chapter 48

36 5 0
                                    

Chapter 48

"Lagnat lang po ba talaga ang mayroon sa anak ko, Doctora?"

Tumango ako at pinagsalikop ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa.

"His body temperature is too high. Hindi iyan ang normal na temperatura ng isang tao..."

"Diyos ko." Nasapo ng ginang ang kaniyang ulo. "Ano na po ang dapat kong gawin?"

"Kung talagang hindi po kaya ng katawan ng bata, I suggest to admit him in the hospital and take proper medications."

Lalong nalukot ang mukha ng ginang. "Iyon nga po ang pinakaproblema namin, Doctora. Wala kaming pera pang-confine sa anak ko. Mas lalo na sa mga gamot niya. Baryang-barya lang ang mayroon ako at 'ni isang kutsara ng gamot, mukhang hindi ko kayang bilhin."

Lumambot ang puso ko sa sinabi nito.

For the past years na nagdaan, madalas ko naman na-e-encounter ang ganitong klaseng mga situations sa aking clinic. Most of my patients ay walang pera at mga walang kaya sa buhay. At ang lahat ng 'yon ay natulungan ko na, financially.

"No worries, Ma'am. Ako na pong bahala sa mga expenses ng anak niyo. Medication man 'yan o hospital bills."

Nagliwanag ang mukha nito sa sinabi ko.

"Talaga po, Doctora?"

Nakangiti akong tumango.

"Diyos ko! Salamat sa Diyos!" Tuwang-tuwa siya habang niyayakap ang anak niya. "Makakapagpagamot ka na, 'nak. Tutulungan tayo ni Doctora."

Kinusot-kusot ng batang lalaki ang kaniyang mata at tumingin sa'kin. "Salamat, Doctora. Ang bait niyo naman po."

Pinisil ko ang pisngi niya.

"Here..." Inabot ko sa ginang ang reseta ng gamot ng bata. "Pakiabot na lang sa secretary ko. Siya na ang bahalang magbigay sa'yo ng gamot."

Nanubig ang mata niya. "Salamat po talaga, Doctora. Hindi ko na po alam ang gagawin ko kapag nawala sa akin ang anak ko."

I smiled. "No worries. Basta dapat diretso na sa ospital, ha?"

She nod. "Salamat po talaga."

Nang makalabas ang mag-ina, hinubad ko ang coat na suot ko at sinampay iyon. Hinilot ko ang sentido ko then I glanced at my watch.

It's 2 PM. And guess what? Hindi pa ako nagla-lunch.

Medyo marami kasi ang mga batang nakapila kanina. I can't resist to take a break dahil naaawa ako sa mga kalagayan nila. Mayroong may ubo, may bulutong, at mayroon pang may trangkaso.

That boy with a high fever is my last patient. Dapat na siguro akong magpahinga.

Nang marinig kong tumunog ang bell sa pinto, mabilis akong tumayo at kinuha ang bag ko.

I'll eat outside.

"Chelsea..." Tawag ko sa secretary ko.

"Yes, Doctora?"

"Kakain muna ako sa labas. Please close the clinic for a while."

Nangunot ang noo nito. "Kakain po kayo sa labas?"

I nodded. "Why? You wanna come?"

"Kumain na po ako at saka..." She shook her head. "Nagdala po ng lunch ang boyfriend niyo kani-kanina lang. Hindi niyo po ba kakainin 'yon?"

"Oh?" Tanong ko kahit sanay naman na ako. He's always sending me lunch here in the clinic. So thoughtful of him.

"Bakit po parang nagugulat pa kayo?" Naguguluhang tanong niya. "Araw-araw naman po 'yon nagdadala ng pagkain dito."

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt