Chapter 44

26 4 0
                                    

Chapter 44

"Ate, ate... gising."

I slowly opened my eyes. Nakatulog pala ako.

"Lux..." I hold his cheeks. "Okay ka lang? May masakit pa ba sa'yo?"

Umiling ang kapatid ko. "Wala po."

"Bakit nanggigising ka? Akala ko tuloy may nangyari sa'yo."

Naka-schedule ang chemo ni Lux mamaya, that's why... nakabantay ako sa kaniya magdamag. I am checking if he's alright or if something bad happened to him.

Ngumiti ang kapatid ko. "Wala na pong sumasakit, promise."

"Bakit nga nanggising ka?"

"Kanina ka pa po tinatawag ni Kuya. Aalis daw po kayo."

Kumunot ang noo ko. Ano na naman ba ang trip no'n?

"Nasaan na siya?"

"Hey..." Biglang pumasok si Kuya Caleum.

Pinanood ko si Kuya habang masiglang lumapit sa'kin. Inakbayan niya ako.

"Ayan na po, oh."

Malapad ang ngiting tinignan niya ako. "My little sister... aalis na tayo."

Kumunot ang noo ko. "Saan ba pupunta?"

"Mamamasyal."

I frowned. Seryoso ba siya? At this point of time, naisip niya pang mag-unwind?

"Ayoko. Ikaw na lang."

Nagulat siya. "Ikaw nga lang ipapasyal ko, eh."

"Walang magbabantay kay Lux."

Sumabat naman ang kapatid ko. "Okay naman na ako, Ate. Magdamag ka ring nakabantay sa'kin. Sumama ka na po kay Kuya."

Nilipat ko ang tingin ko kay Kuya Caleum.

"See?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Pinagpapahinga ka na ni Lux."

"Eh—"

"Huwag ka nang magreklamo riyan! Halika na! Session na mamaya ni Lux!"

"Kaya nga. Hihintayin ko muna siyang makaalis bago—"

"Ang kulit mo naman. Gusto mong buhatin pa kita?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"'Lika na kasi!"

"Pero—" Napahinto ako nang maramdamang tumunog ang cellphone sa bulsa ko.

I checked it up. Tumatawag pala si Mikel.

"Labas muna ako." Paalam ko at saka nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Pinindot ko ang answer button at tinutok ang phone sa tenga ko.

"Bakit ngayon ka lang tumawag? Alam mo bang—"

"It's how you used to say I love you and I miss you. It's how you pretend to love me then. When you wandered off the things... we've done before. Now it's too late to turn back anymore..."

"Anong—"

"I used to say I love you, I used to say I miss you, and now it's all gone are we fading away..."

Napahinto ako. Bakit ba kailangan niya pang kumanta?

"Are you coming back into my arms to love me again? I love you, I miss you, I need you now... more than ever, more than words can say. I love you and I miss you... I need you more today."

Nang matapos na siyang kumanta, tumikhim siya.

"Good morning, baby!"

Napangiti ako in an insant. "Good morning din."

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon