Chapter 16

78 4 1
                                    

Chapter 16

"Surprise!"

Pag-uwi ko ng bahay, bumulaga sa'kin ang nagkalat na lobo sa sala at ang sumabog na confetti sa sahig. Halos mapunit ang gilagid ko nang makita kung sino ang nandito sa bahay.

"Mama!" I rushed up to give my stepmother a hug.

Ang tagal ko na ring hindi nakita si Mama. Ang huling paalam niya kasi sa'min ni Papa ay uuwi siya sa bahay nila sa Nueva Ecija para kamustahin ang parents niya.

"I missed you so much!"

"I missed you too, baby Maine!" Humiwalay siya sa pagkakayakap sa'kin at hinalikan ako sa pisngi.

"Si Papa po?" Tanong ko habang nililibot ang tingin ko sa buong bahay.

"He's not here. Nagpaiwan siya sa Nueva Ecija."

Tumango ako at ngumiti. "Buti po... nakauwi kayo?"

"Actually... ang Papa mo lang ang nagpauwi sa'kin. Wala ka raw kasing kasama sa bahay."

"Akala ko nga po... mag-isa talaga akong matutulog dito, eh."

"Hahayaan ba 'yon ng Papa mo? Ikaw talaga..." Ginulo niya ang buhok ko.

Napangiti naman ako. Of course, my father is the best. "Kumain na po kayo?"

Mama shook her head. "Hinintay kita, eh."

"Kayo po ang nagluto?"

"Oo naman!"

"Well, then... tara na po!" Yakag ko at saka nagdire-diretso sa kusina.

As expected, nakahain na lahat ng pagkain sa lamesa. May menudo, chicken curry, fish fillet at ice cream.

Umupo na ako at nagsimula nang kumain.

"Mukhang gutom ka, ah?" Bigay-pansin sa'kin ni Mama.

"Gano'n po talaga." Ani ko at saka sumubo ng kanin.

"Maine..." Biglang sabi niya. "I want to tell you something."

"Ano po 'yon?" Ngumunguyang tanong ko.

"I and your Papa will be getting married next month!"

Nanlaki ang mata ko.

OMG!

"Talaga po?" Masayang tanong ko.

"Yes!"

Two years pa lang kasi nagsasama sina Mama at Papa. Engaged na sila last year pero mukhang ngayon pa lang matutuloy ang kasalan.

Hindi ko maitatangging mayroon pa rin sa part ko na hihihintay ang pagbabalik ng totoo kong Mama. Pero kung sa ganito masaya si Papa... bakit naman hahadlang pa ako, 'di ba?

He's literally my everything.

"Ano naman po ang theme ng kasal niyo?" Usisa ko agad.

"Hmm... hindi ko pa alam, eh."

"Kulay po ng motif?"

"Still undecided. But I prefer mint green."

I smiled. "Church?"

"Yeah. Tradition na, eh."

"I'm so happy for you, Mama..." Masayang sabi ko, hindi pa rin nakakaget-over.

"Thank you, baby!" Maligayang aniya. "Pero seriously, I want to ask you something."

"Sure. Ano po 'yon?"

"H-Hindi ka man lang ba tututol sa'min ng Papa mo?"

Nagulat ako sa tanong niya.

Why would she ask that? Alam naman niya na kailanman ay hindi ako naging against sa relationship nila.

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now