Chapter 25

44 5 4
                                    

Chapter 25

"Papa, I swear, hindi totoo 'yung sinasabi niya..." Mahinahon kong sabi habang diretsong nakatingin kay Papa.

Nasa bahay na kami ngayon, sa sala to be exact. Nagkaroon kasi kami ng engkwentro kanina ni Victoria kaya't nagyaya na agad akong umuwi.

Ayokong sumikat ang pangalan ko nang dahil sa away!

Well, what I was saying to Papa is about what Victoria said earlier. Kesyo kung anu-ano raw kasi ang masasakit na bagay ang ginawa ko sa kaniya.

Napailing na lang ako. She's such a loser.

"Naniniwala naman ako sa'yo."

Nagliwanag ang mukha ko. "Talaga po?"

Kumunot ang noo ni Papa. "Bakit? Sa tingin mo ba ay paniniwalaan ko ang babaeng iyon matapos niyang sabihin na... sinabunutan, kinurot, sinuntok, at nilampaso mo raw siya sa sahig?"

Suminghap ako. Ganiyan lang naman ka-OA ang pinagsasabi ni Victoria kanina.

"Alam ko namang hindi mo magagawa 'yon. Pinalaki kitang mabuting bata." Dagdag pa ni Papa na siyang nakapagpangiti sa'kin.

"Saka... wala naman pong ebidensya, 'di ba? Saan ka naman nakakita ng binugbog na't lahat, naka-heels pa rin?"

Humalakhak si Papa. "Wala sigurong magawa 'yon, ano?"

Nagkibit-balikat lang ako. "Siguro po."

"Sige na. Diyan ka muna. I'll go change my clothes." Tumayo na si Papa at ginulo ang buhok ko bago ako umalis.

Napangiti ako. How I love Papa. He's so caring and sweet. Hindi ako magsasawang i-describe siya nang paulit-ulit using the same words.

Sumalampak ako sa sofa at saka kinuha ang cellphone ko. Nagtipa ako ng mensahe sa messenger para kay Diana.

You: Hoy, babae!

Diana: Problema mo?

I sent two messages na agad ko ring ni-remove. Baka kasi ma-trigger ko lang ang pagiging intrimitida niya.

Diana: Ano 'yang ni-remove mo?

You: Ba't ko sasabihin sa'yo? Kaya ko nga ni-remove, eh.

Diana: Ano bang kailangan mo?

You: Nangangamusta lang...

Diana: Ang gulo mo naman. Ka-chat ko si Drake, eh.

Tss. Kaya naman pala

You: Ganiyan ka na ba? Wala ka nang utang na loob? Sinama pa man din kita sa dinner. Isuka mo ang lahat ng kinain mo, pakyu ka!

I removed another message that I sent by mistake.

Diana: Kapag naisuka ko ba... kakainin mo?

Diana: At bakit ba remove ka nang remove ng message? May saltik ka ba?

You: Pake mo ba? My account, my rules.

Diana: Lakas ng tama mo.

Diana: Btw, hindi ba nag-init ang ulo mo kay Victoria?

You: Tinatanong pa ba iyan? Malamang, nakakainit kaya ng ulo ang pagiging eskandalosa niya!

Diana: Ako nga rin, eh. Tang ina, ang sarap niyang sabunutan!

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon