Chapter 32

44 3 1
                                    

Chapter 32

"Magpapagupit din pala, nagpapilit pa."

Sinamaan ko ng tingin si Diana. "Shut up."

I combed my hair using my fingers. Naninibago ako ngayon sa buhok ko, sobra...

I must say na... bumagay naman ito sa'kin. It made me look a lot younger than my age--kagaya ng sinasabi sa akin ni Tita Dinna and the others.

But, still... hindi mo kaagad maaalis ang panghihinayang, right?

"Pero, Char... seryoso. You look so gorgeous."

I arched a brow at my best friend. "Weh? Talaga ba?"

"Oo nga! Ang ganda mo pala kapag ganiyan lang kaiksi ang gupit mo!"

Ngumiwi ako. "Is that a compliment?"

"Oo naman!"

"Then, thank you."

"Then, you're welcome."

Napailing ako. Ang lakas talaga ng sayad nito.

Nandito pa rin kami sa salon. Ewan ko ba kay Diana at ayaw niyang umalis dito. Sabi naman ni Tita ay okay lang kung maglibot-libot muna kami kahit sandali.

Baka tinatamad?

"Hey, nagri-ring ang phone mo."

Napalingon ako sa aking sling bag. Binuksan ko 'yon at kinuha ang cellphone ko.

Papa is calling...

I immediately pressed the answer button. "Hi, 'Pa!"

"Where are you?"

"Mall." Tipid kong sagot.

"Umuwi ka na. Aalis ako. Walang kasama ang Mama mo rito sa bahay."

Nangunot ang noo ko. "Why? Saan ka pupunta?"

"Nueva Ecija. Aayusin ko lang ang sa kasal namin ng mama mo. You know that... it's coming, right?"

Napangiti ako. 

Right... I'm so excited for them! What Papa wants, Papa gets. Kung saan siya masaya, roon din ako and it will always be like that.

"Bakit hindi niyo po kasama si Mama?"

"Supposedly, sasama nga siya, nagpaiwan lang. Sabi niya, mawawalan ka na naman daw ng kasama kapag iniwan ka namin."

Oh, Mama is really thoughtful...

"Ang sweet naman ni Mama." I said. "Okay naman po ako kahit ako lang mag-isa."

"But we prefer not to." Suminghap siya sa kabilang linya. "Hala, sige. Gumayak ka na't umuwi ka rito. Hihintayin ka namin ng Mama mo."

"Okay po. On the way na 'ko!"

Papa chuckled."Ikaw talagang bata ka. Bilisan mo na, ah?"

"Yes, Papa! Bye!"

"Bye-bye."

Muli kong binalik ang cellphone ko sa bag ko.

"Anong sabi ni Tito?"

Taka kong tinignan si Diana. "Paano mo nalaman na si Papa 'yon?"

"Simple lang. Ang lakas kaya ng boses mo. Like--hello, 'Pa!" She mimicked me.

Umikot ang mata ko. "Whatever you say, sunshine."

"Oh, ano ngang sabi?"

"Pinapauwi ako."

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant