Chapter 27

38 3 3
                                    

Chapter 27

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. I'm already wearing my red filipiniana gown--and of course, nakaayos na ang make-up at hairstyle ko.

Ang hinihintay ko na lang ay ang tamang oras para pumunta sa school.

"Wow..." I look different. Ang sabi ko sa make-up artist ko ay huwag masiyadong kapalan ang make-up ko, kaya lang, she said that a dark make-up will suit my outfit today. Nilagyan niya ako ng makapal na red lipstick which made my appearance fiercer.

Kinuha ko ang bracelet na binili namin at isinuot 'yon.

"Princess?" Boses iyon ni Papa habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko. "Are you done?"

Huminga ako nang malalim. "Yes."

"Pwede na akong pumasok?"

"Sige po."

Bumukas ang pinto at niluwal niyon si Papa at Mama. Pareho silang napanganga nang makita ako.

Seriously? Ganoon na ba talaga ako kaganda?

Napailing ako. "What's wrong?"

"You're so gorgeous, Maine!" Biglang tumili si Mama.

I smiled. "Mana sa'yo."

"No... oh my gosh!" Tumili ulit siya. "Ang simple-simpleng mong tignan kapag walang make-up.... pero ngayong inayusan ka na, kabog! Masiyado kang maganda!"

"Small thing, 'Ma."

I think it's the first time that Mama saw me wearing make-up. Wala naman kasing special events na nangyayari sa buhay ko recently kaya wala akong dahilan to do so.

"My god, Arthur! Bakit ganito kaganda ang anak mo?"

Ngumiwi si Papa. "Ako ba naman ang ama, nagtaka ka pa?"

Natawa ako. Kahit kailan talaga ay proud na proud si Papa sa sarili niya.

"Joke ba 'yon, Arthur?"

"Hindi, honey." Sagot ni Papa sabay halik sa pisngi ni Mama.

Napangiti ako. They're still sweet as ever. Mukhang kahit anong gawin nilang hiwalayan, babalik at babalik pa rin sila sa isa't-isa.

Speaking of babalik... I suddenly remembered Mama's chat last time.

Alam na kaya niyang nandito kami sa Bulacan?

I sighed.

Sana ay... huwag na siyang bumalik. Sana manatili na lang siya kung nasa Occidental man siya.

Hindi ko siya kayang harapin.

At isa pa, ayaw kong masira ang pamilya namin ngayon. I'm already contented and happy with Papa and Mama so... why would I need her in my life?

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasagot ang chat niya. Wala akong pakialam kung magmukha akong bastos. Ano bang akala niya sa'kin? Gano'n-gano'n na lang kabilis magpatawad? Hell, no. Ang tagal niyang nawala! I mean... what would she expect? Na kakausapin ko siya na parang walang nangyari? Na palalampasin ko na lang ang pang-iiwan niya sa'kin?

That's unfair, you know.

"Sino bang partner mo?" Tanong ni Papa.

Natinag ako. "Gerry."

"Hmm... never heard his name. Susunduin ka niya?"

I shook my head. "Magkikita-kitang lahat kami sa school."

"Saan ba gaganapin?"

"Gym."

"Ihahatid na kita."

"Hindi na po. Magpapahatid na lang ako kay Manong."

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now