Chapter 42

27 4 0
                                    

Chapter 42

Awkward...

Nasa iisang table kami nina Mikel, Mathiee, Tita Michaella, at ni... Janeia.

Akala ko rin ay umalis na siya rito... actually. Nakakairita ang existence niya. Gusto ko siyang ingudngod sa platong ang laman ay puro uod.

Isa pa si Mikel. Ang sarap-sarap duruin ng mata niya dahil abot ang sulyap niya sa'kin. Susulyap, ngingisi, tapos iiling. Tadyakan ko kaya 'to palabas?

"Tita, you know what? You're so blooming. Ano po bang ginagamit niyong skin care product at ang kinis ng balat ninyo?" Pang-uuto pa ng babaeng kaharap ko.

Humalakhak si Tita Michaella. "Really? Well... it's natural, dear."

"I don't believe you, Tita—I mean you're so gorgeous, that's why!" She exclaimed.

Pasimple akong umirap. Ang galing talaga niya. Expert siya pagdating sa pang-uuto.

"Am I?"

"Yes, po. You look younger than your age."

"Thank you for that, hija."

"Para lang po kayong bagets." Napahagikhik  si Janeia.

"Oh, that's enough. Lumalaki ang ulo ko." At nagtawanan sila.

Sila lang naman ang nagkakaintindihan sa table na 'to. Para lang kasi kaming mga manequin dito o 'di kaya'y palamuti lang sa bahay nina Mikel.

I growled out of frustration. Fine! Eh 'di sila na ang close! Palibahasa, sipsip kaya madaling makapanloko!

"Tita Mica..." Napalingon ang lahat kay Mathiee nang bigla itong magsalita.

Hindi kasi siya umiimik mula kanina pa. You know, matalinong bata itong si Mathiee. Mukhang alam niya kung kailan dapat magsalita at kung kailan hindi.

"Yes, baby girl?" Sagot naman sa kaniya ni Tita Michaella.

"Hindi pa po ba siya aalis dito?" Tanong ng inosenteng bata habang tinuturo si Janeia.

Gusto kong matawa nang malakas. May tinatago palang kamalditahan ang batang 'to!

"Mathiee!" Pinandilatan siya ni Tita Michaella.

"Why po? What's wrong with that? Sabi po ni Mommy when you're angry at a person, she should get out of my sight." Nakangusong paliwanag ni Mathiee.

Sino ba ang nanay nitong si Mathiee? Hanapin ko nga't gawin kong barkada. Feeling ko ay magka-vibes kami!

Sumulyap ako kay Mikel at nakita kong nakangisi lang siya habang nakatitig sa'kin. Ano naman kaya ang iniisip niya?

I just rolled my eyes at him then stare at Mathiee's cute face. Hindi ko alam na may tinatago pala itong ibang side maliban sa pagiging cute niya.

"Galit ka sa akin?" Gulat na tanong ni Janeia, nanlalaki pa ang mata.

The cute little girl crossed her arms then raise a brow at Janeia. Grabe, ang taray nitong tignan!

"Ask yourself."

"Mathiee!"

"What, Tita? It's my Mommy's order. She said that don't let others step on your ego."

What the hell?

Halos lahat kami ay napanganga sa sinabi ni Mathiee. She's just six years old for old man's freaking sake! Pati ba naman ego ay alam na alam niya ang meaning?

"H-Hindi ko alam ang sinasabi niya, Tita..."

Oh, I swear to hod. Tanga lang ang hindi tatawa kapag nakitang namumutla si Janeia. She looked scared as hell!

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon