Chapter 58

29 3 0
                                    

Chapter 58

"Fuck!" Pinagsusuntok ni Troviance ang pader na kaharap niya ngayon.

Hinawakan ko ang kaniyang braso at pinakalma siya.

Troviance and Tita Cecille met with an accident. That's after they went sa bahay namin ni Troviance.

Unfortunately, papasok pa lang daw sila sa loob ng bahay, nakita nila na nakabukas lahat ng drawer sa kwarto na may lamang pera.

In just one blink, walang natira sa pera namin. Mahigit four hundred thousand ang nandoon at natangay 'yon lahat.

Nakapag-iwan ng clue ang magnanakaw kaya sinundan ito nila Troviance. Naabutan nila itong nagmamaneho habang may dala-dalang attache case na siguradong pag-aari namin.

Sa pagmamadaling mag-drive ni Troviance, hindi niya napansin na may truck na nag-overtake sa harapan nila, kaya... heto, nandito sila sa ospital.

Hindi masiyadong malala ang natamo ni Troviance dahil kahit papaano ay nakapagpreno siya. Kaunting galos lang at kaunting sugat.

Pero si Tita Cecille... siya ang nadisgrasya. Nadaganan kasi siya ng sakay nilang motor ni Troviance.

Nag-aalala akong tumingin sa kaniya. "Ang sugat mo..."

"I don't care!" Nagulat ako nang sigawan niya ako.

I blinked.

Mukhang nagulat din siya dahil lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.

"Sorry..." Napatungo siya. "Nag-aalala lang naman ako sa..."

"Ayos lang..." Pero hindi talaga.

"No. I know it's not. I'm sorry, Doctora. Nadala lang ako—"

"Ayos nga lang. You don't need to apologize." Tipid akong ngumiti. I need to understand him during this kind of situation. Kailangan niya ako... even though we are not totally... okay.

Cool off nga, hindi ba?

"I'm just... frustrated. The money... we lost our money. Si Mama... she's in a critical condition. Paano na siya ngayon? This is life and death situation. Kapag hindi siya naoperahan agad, maaring bawian siya ng buhay. Ulo pa naman ang natamaan sa kaniya and we both know that..." I can feel his frustration.

I calmed him down. "I'm pretty sure kaya tayong tulungan ni Papa."

Umiling siya. "Huwag na. Nakakahiya kay Tito—"

"Bakit naman mahihiya ka? Ako ang manghihiram."

He sighed. "Pero..."

I hold his hand and squeeze it tightly. "Wala na tayong ibang malalapitan."

He shook his head. "Nakakahiya, Doctora. Nasa ospital din siya at may problema kayo sa kompanya. I'm pretty sure... he has big expenses dahil may sarili rin siyang mga problema. Tapos... dadagdag pa kami."

He has a point. Napakarami naming gastos, especially that... sinisimulan na ang pagre-renovate sa iba't-ibang bahagi ng restaurant at hotel. Idagdag mo pa ang bills ni Papa sa ospital.

"It's okay..." Kalmado kong sagot. "Huwag mo nang alalahanin ang pera. Ako na ang... bahala."

We are both hopeless. Ang perang nakatabi sa bahay namin, pinag-ipunan namin 'yon. Tapos... nawala na lang bigla? Sino naman ang tarantadong gagawa no'n?

Money isn't actually a problem... before. Ang dami lang kasi talagang nangyari recently na kailangang tugunan financially.

Bukod sa bills ni Papa sa private hospital, nagpapa-therapy pa siya. Kahit sabihin nating mayaman kami, hindi unlimited ang pera namin. Mauubos at mauubos pa rin iyon.

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now