Chapter 36

40 3 0
                                    

Chapter 36

Nagyaya na agad akong umuwi kinabukasan. Hindi ko na kayang makisama sa mga tao sa mansyon nila Mama. Pakiramdam ko ay masusuka ako.

About my real mother... well, wala na akong balita kung saan na siya nagpunta. Sanay naman na kasi ako sa mga ginagawa niya. Biglang aalis, tapos biglang babalik.

Hindi ko pa rin sinasabi kay Papa na nagkita kami ng dati niyang asawa. Siyempre, kakatapos lang ng kasal nila ni Mama, tapos malalaman niya na bigla itong dumating?

And besides... baka mabalitaan niya na rin naman iyon from those gossipers. I am sure of that.

Napailing ako. Ayoko nang isipin 'yon sa ngayon.

Pero, ugh! Kusang pumapasok sa isip ko!

"Anong trip mo sa buhay? Bakit umiiling ka riyan? May saltik ka na ba?" Tanong ni Diana.

I glared at her. "Nakikipagtalo ako sa sarili ko. Huwag kang maingay."

"Huwag mo nang isipin 'yang si Tita Chiena."

Kinwento ko ang nangyari kahapon, as you can tell. Siyempre, best friend ko siya. Komportable na akong mag-share sa kaniya.

"I can't help."

Kumunot ang noo niya. "Okay, you can't help. Eh bakit... napapa-english ka pa riyan?"

"Masama?"

"Oo, lalo na't hindi mo pinapansin ang text ni Mikel."

"Ano?!"

"Kanina pa nagte-text sa'yo ang jowa mo."

Sinamaan ko siya ng tingin at saka sumulyap sa cellphone ko.

From: Mikel

Cheer up. I hope you're feeling better now. :)

Napangiti ako nang bahagya. He's so caring.

I just thanked him as my reply at saka pinatay muli ang cellphone ko.

"Alam mo? Kaysa isipin mo nang isipin 'yang mga problema mo, magkwento ka na lang sa'kin."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Na naman?" Para kasing nangyari na ang senaryong ito. Paulit-ulit... "Anong iku-kwento ko sa'yo?"

"Love life mo."

I sighed. "Wala naman akong dapat na i-kwento sa'yo."

"Bakit? Wala ka bang love life?"

Umikot ang mata ko. "Ewan ko sa'yo."

"Sige na, bilisan mo! Aalis na tayo maya-maya, eh!"

Pupuntahan kasi namin si Jericho sa ospital. Dadalaw kami roon at magdadala ng mga kailangan niya. Pangtulong na rin.

"Okay, fine. Ano bang gusto mong malaman?" Inis kong sabi. Hindi naman kasi ako titigilan nito, panigurado.

"Kung gaano siya ka-sweet sa'yo?"

Ngumiwi ako. "Seryoso kang gusto mong malaman 'yan?"

"Oo naman!"

"Well... t'wing breakfast, lagi siyang nagpapadala ng kape sa bahay. Tapos minsan... dinadaanan niya ako para sabay kaming mag-jogging."

Ngumiti siya nang todong-todo. "Para na kayong mag-asawa niyan, ah?"

Binatukan ko siya. "Tanga."

Bigla ko tuloy naalala nung nagja-jogging kami noong isang araw. Nakasalubong kasi namin si Victoria noon kasama ang isang lalaki.

Huminto ako sandali sa gilid ng kalsada para uminom ng tubig. Kanina pa kami nagja-jogging nitong si Mikel at ngayon lang kami nakapagpahinga.

"Nakakapagod pala..." Hinihingal kong sabi sabay lagok ng tubig sa tumbler ko.

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now