Chapter 18

44 4 4
                                    

Chapter 18

"Ate Wendy!" Niyakap ko siya. "I missed you!"

"Naku, na-miss din kita, Ma'am Charmaine!"

Tuwang-tuwa ako nang makita ko si Ate Wendy for the second time around. Ewan ko ba, hindi naman kami gaanong close at isang beses pa lang kaming nagkita, pero... it feels great to know that she's here.

"Kamusta ka, Ate Wendy?" Katatapos lang naming mag-dinner kaya ngayon lang kami nagkaroon ng tsansang mag-usap.

"Okay naman, Ma'am."

"Naglilinis ka pa ba sa kwarto ni Tita?" Agad kong tanong.

Umiling siya. "Sa kwarto na lang po ako ni Sir Mikel nakatoka."

That's a relief. "Napagalitan ka ba noong umalis ako?"

Napayuko siya. "Medyo po."

Pumalatak ako. Sinasabi ko na nga ba.

But at least, she's not fired, right?

"Pasensiya na, ah? Dahil sa'kin naaapektuhan tuloy ang trabaho mo." Nakukunsensiyang saad ko.

"Naku, Ma'am! H'wag niyo na pong isipin 'yon! Ang mahalaga, nakabisita ulit kayo rito!"

Ngumiti na lang ako at tumingin sa labas. Malakas pa rin ang buhos ng ulan at mukhang wala itong balak na tumigil.

Suminghap ako. I hate rainy days.

"Ang lakas po ng ulan, 'no?" Tinanguan ko si Ate Wendy. "May bagyo kasi kaya... ganiyan."

"I know. Suspended pa nga ang klase."

"Ayaw mo no'n, Ma'am? Walang pasok! Hindi po ba kayo masaya?"

Ngumisi ako. "Partly."

"Naalala ko tuloy noong high school ako. Tuwang-tuwa po ako noon kapag may bagyo dahil naiisip ko na mawawalan ng pasok. Simula noon, lagi akong nagdadasal na sana araw-araw bumagyo para araw-araw walang pasok, hehe."

"Kabaliktaran pala tayo, Ate. Hangga't maaari kasi, ayoko nang umuulan--lalo na kapag may bagyo pa..." Sabi ko. "Malay natin, may mga taong walang masisilungan, 'di ba? Kawawa naman sila..."

Kahit sa simpleng thoughts lang, gusto kong maging considerate sa iba. I don't know... ganito na kasi talaga ako simula noong maging teenager ako.

"Ma'am, alam niyo po? Gusto ko 'yung paraan ng pag-iisip niyo." Nakangiting sabi ni Ate Wendy.

"Oh?"

"Masiyado kayong makatao. Iniisip niyo lagi ang nakabubuti para sa nakararami. You're like a living saint."

Living saint?

Hell, no.

Hindi ako santa at mas lalong hindi ako mabait. Marami rin akong kasamaan na gustong ilabas, but... that's only for those people who are being evil.

"Parang hindi naman..." Nasabi ko na lang.

"Oh?"

Tumango ako. "There's no such person na santang-santa ang ugali. All of us have flaws and mistakes."

"Wow, ang lalim naman niyan, Ma'am! Pero nakuha ko po ang punto niyo."

"Really?"

"Oo naman po."

"Is that so?"

Ngumuso siya, lalong lumutang ang pagiging baby face niya. "High school graduate naman po ako. May alam din ako sa mga ganiyan."

Tumaas ang kilay ko. "Wala naman akong sinasabi, ah?"

"Expression niyo po."

Napairap ako. Iyan na naman 'yang expression na 'yan. Mula kay Francine, kay Mikel, kay Tita Michaella, at pati ba naman itong si Ate Wendy sumama pa? 

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now