Chapter 26

54 3 2
                                    

Chapter 26

Maaga akong umuwi ngayong hapon dahil magpa-practice lang naman kami para sa entrance ng prom namin. Paulit-ulit na naming nasanay iyon kaya't nagdahilan na ako sa adviser namin. Sinabi kong masama ang pakiramdam ko, and shoot, nakalusot naman ako.

Dahil sa ginawa kong iyon, galit na galit sa akin si Diana. Dapat daw ay sinama ko siya noong umuwi ako.

At si Gerry? Ayun, nag-solo flight. Wala, eh. Tinamaan ako ng katamaran.

Tumitig ako sa kisame ng kwarto ko. Kasalukuyan akong nakahiga habang nakatulala--iniisip pa rin ang mga sinabi sa'kin ni Diana kanina.

It's not a big deal for me, actually. Kahit na totoo ang sinasabi niya, still, none of them will pass my standards.

Hindi naman kataasan ang standards ko pagdating sa lalaki, sadyang... dedicated lang ang puso ko para sa isang tao.

Kahit na... hindi niya ako pinapansin ngayon.

Nanlumo ako.

Gusto ko siyang i-text, i-chat, o kahit tawagan, kaya lang... nag-aalinlangan ako. Natatakot akong mag-first move dahil baka wala lang akong mapala sa kaniya.

But, I think... I should try. Wala namang mawawala sa'kin, 'di ba?

Ugh! Ang hirap ng ganito. Lagi na lang may doubts and all...

Alam kong hindi maiiwasan iyon. However, I just hate uncertainties!

Nag-alangan man, sa huli'y nauwi rin ako sa pag-chat kay Mikel.

Natawa na lang ako sa sarili ko.

Great, Charmaine Skyler! Mag-post ka na ng hashtag marupok at i-mention mo nang i-mention ang sarili mo!

Marupok really suits me. Biruin mo, may nalalaman pa akong huwag mag-first move, tapos maya-maya... ako rin pala ang magcha-chat? Ay, wow! Iba!

I typed.

You: Hi, are you busy?

Thirty freaking minutes after I chatted with him, he replied.

Mikel: Yup.

Napanganga ako.

Just, wow! Naghintay ako ng thirty minutes tapos iyon lang ang mare-receive ko? Just--what the hell?

Mikel: Been busy lately. Inaayos ko pa kasi ang isusuot ko for tomorrow. HBU?

Thank god he added that. I kind of want to burst because of anger.

You: Wala naman akong ginagawa. Just chatting with you. Bored kasi ako, so...

Mikel: So, did I... lessen your boredom?

Umawang ang bibig ko. I feel like he's expecting something.

I replied.

You: Yup.

I halfly lied. Oo, bored ako, pero... hindi ko siya ni-chat because of my boredom. I did that dahil gusto kong pansinin niya ulit ako.

I bet I'll spend my time later cringing about this. What the hell am I thinking?

Mikel: Can I call?

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant