Chapter 45

22 4 0
                                    

Chapter 45

"What do you think are you wearing?" Gigil na tanong ni Kuya habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa suot ko.

Pinagkunutan ko siya ng noo. "Ano namang masama sa suot ko?"

Mas lalong nagdilim ang paningin niya. "Ano? Anong masama sa suot mo?!"

"Yeah, what's wrong with it?"

Nanlaki ang butas ng ilong niya. "You're asking me if what's wrong with wearing a damn revealing black two-piece?!"

Ano bang problema niya sa suot ko? Swimsuits are supposed to be revealing! At saka isa pa... wala naman akong choice. Wala akong mabiling rashguard dito at cycling shorts. Kung isusuot ko naman ang damit ko kanina, baka hindi ako makaahon. It's a jacket and jeans for man's sake!

Sanay naman ako na magsuot ng ganito, anyway. T'wing may outing kami nila Papa, bikini ang laging dala ko. Beach naman 'to eh, so why bother?

Bahala siya. Mamaya ko pa 'to tatanggalin. Ang OA lang talaga ni Kuya!

"Go, change." Matalim ang tinging sabi niya sa'kin.

"What?"

"Change your clothes."

"Wala namang masama rito sa suot ko..."

"Sinong may sabi sa'yo? Tignan mo nga! Halos lahat ng lalaki ay nakatingin sa'yo!"

Nilibot ko ang paningin ko.

Oo nga, nakabaling ang paningin nila sa akin. Hindi naman lahat pero sapat na 'yon para mailang ako.

Nag-init tuloy ang pisngi ko.

"Go! Magpalit ka na!"

Umiling ako. "Wala akong pampalit."

"Then buy something formal!"

Sininghalan ko siya ng tingin. "Ano ako? A-attend ng seminar?"

"I don't care! Basta dapat mabalutan 'yang katawan mo!"

Kaya kong magtiis. Hindi ako ang mag-a-adjust, 'no! "Saglit lang ako. Magpapalit din naman ako mamaya."

"Even so!"

"Wala nga akong pamalit! Saka... kasalanan mo 'to! Kung sinabi mong dito tayo pupunta, eh 'di sana nakapagdala ako ng damit!"

"Don't put the blame on me. Just change your clothes!"

Inirapan ko na lang siya at saka mabilis na tumakbo papunta sa tubig.

"Charmaine Skyler! Get back here!"

"Get back here my ass!" I teased him and then started swimming.

Maasar na siya kung gusto niya!

I dive a bit then stroke my hands. Nang medyo makalayo-layo na ako sa tapat ni Kuya ay nag-floating ako.

I closed my eyes. I felt the sun's rays hit directly on my body. Mainit pero ang sarap sa pakiramdam. I missed swimming on beaches, though.

I had swimming class since I was thirteen. Pinaturuan ako ni Papa dahil gusto raw niyang madalas kaming mag-outing na pamilya.

We went to Boracay, Palawan, Puerto Princesa, and other private swimming areas in the Philippines. Me, Papa, and Mama. I enjoyed every second of it. Talagang bawas stress ang pags-swim.

At saka noon pa man, gustong-gusto kong naliligo. Kahit saan, kahit kailan. Lalo na kapag umuulan.

How I love the water splashing on my face. Pakiramdam ko ay nasa isang palabas ako kapag ganoon ang eksena ko.

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon