Chapter 41

39 4 0
                                    

Chapter 41

Wala kaming nagawa ni Mikel kung hindi umuwi. Sabi ko sa kanya ay sa amin na ako didiretso but he refused. Aniya'y pumunta muna ako sa kanila tutal ay wala akong kasama sa amin.

Pumayag naman ako. Siyempre, ano pang magagawa ko? Mikel is irresistable, just so you know. Isang pout pa lang niya sa'kin, wala na, tibag na ang pagpapakipot ko.

"Nandoon si Mathiee..." Biglang sabi niya kaya natuwa ako.

"Talaga?"

"Oo. Hinahanap ka nga niya, eh. Nami-miss ka na raw."

Wow, that quick?

Nagkita naman kasi kami last time sa bahay nila dahil bumalik ako at nakipaglaro sa kaniya sandali. Idagdag mo pa na... I met her in Jollibee recently.

Alam kaya ni Mikel ang nangyari sa kaniya noong araw na 'yon?

"Nga pala..." Nasabi ko na lang nang may maalala ako.

"Ano iyon?"

"Pupunta kami ng Occidental."

Napatingin siya sa akin.

"Occidental? Babalik kayong Occidental?"

I shook my head. "Hindi kami roon titira. Dadalawin lang namin si Lux."

I talked to Papa last time. Pupunta kami ng Occidental para ibigay ang pera na gagamitin sa operasyon ng kapatid ko.

Actually, excited na akong makita kung anong itsura ng kapatid ko. Pero sa tuwing naalala kong may sakit siya... nababawasan ang sayang nararamdaman ko.

But then again, I am pretty sure that Luxarious Daze Buenafardo is a good-looking man. Wala naman kasing patapon sa pamilya namin pagdating sa itsura.

"Iyong kapatid mong maliit?"

Tumango ako. "May sakit, eh."

"Sakit? Ano bang sakit niya?"

Ngumiti ako nang mapait. "Tumor."

Nanlaki ang mata niya. "What the hell? Kailan kayo aalis? I want to come..."

Umiling ako. "Huwag ka nang sumama. Just... stay here. Ilang araw lang kami roon. Mga... four days lang siguro?"

"I also want to check on my little brother's condition..."

Umawang ang labi ko. "Hindi ko alam na kapatid na pala kita ngayon?"

He glared at me. "Always taking everything literally?"

"Ah... basta. Huwag ka nang sumama."

Pinagkunutan niya ako ng noo. "Bakit ba ayaw mo akong pasamahin? May boyfriend ka ba sa Occidental?"

Nalaglag ang panga ko. "What? No way! Anong akala mo sa'kin? Salawahan?"

"Eh bakit nga—"

"Tsk. Huwag ka na ngang makulit. Paano ka makakapasok niyan sa school kung sasama ka sa'kin?"

"Suspended naman—"

"Hindi pa ngayon aalis! Next week pa!"

"Eh bakit sumisigaw ka?"

"Anong gusto mo? Bumulong ako?"

"Oh, no..." Malalim ang buntonghininga niya. "Tinotopak na naman ang baby ko."

"Ewan ko sa'yo..." I rolled my eyes, pissed off.

Ewan ko ba. Feel ko lang mainis. Ang kulit niya kasi, eh!

"Nandito na tayo."

Sumilip ako sa bintana. Pinaparada na niya ang kotse sa garahe. "Nandiyan ba si Tita Michaella?"

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora