Chapter 2

132 3 23
                                    

Chapter 2

Natanggal ang kaba ko nang matapos nang mag-perform ang grupo namin. Thanks to Troviance, who took a huge part on reporting our powerpoint... successful ang lahat. Hindi ko talaga kakayanin kung ako lang ang kikilos mag-isa.

Hindi naman din siya lugi sa akin, though. From the start, marami na rin akong naiambag. Hindi ako tumatanga lang!

Anyway, magkasama na kami ngayon ni Diana habang papunta sa computer shop. We will inquire if they are available to customize some ref magnets na pwedeng ipa-give away sa mga bisita namin next next week for my uncle's birthday. Although... we are not very sure if matutuloy ang party.

He's forty to be exact. Gusto raw niyang mag-celebrate na lang sa 50th birthday niya pero si Papa ang pumilit sa kaniya. Tama nga naman. Minsan lang kasi magbi-birthday ang isang tao kaya dapat sulitin na hangga't nabubuhay pa.

"Ganoon po ba?" That's my response nang sabihin ng mga admins sa harap na minimum copies lang ang kaya nilang i-produce. "Sige po. Babalik na lang kami." 

Pagkalabas na pagkalabas pa lang namin sa computer shop, agad na humirit si Diana ng kuda sa'kin. Wala naman na kaming gagawin sa loob since I am not very sure about the minimum copies.

"Hoy, Charmaine Skyler."

"Bakit?" Tumaas ang kilay ko sa pagtatanong niyang mala-reporter ang datingan. Ang hilig niya talaga sa ganiyan.

"Umamin ka nga."

"Ano namang aaminin ko sa'yo?"

Pinandilatan niya ako. "May namamagitan ba sa inyo ni Troviance?!"

Halos mabulunan ako sa tanong niya.

Seriously? Ako at si Troviance? Eh 'ni respeto nga wala kami sa isa't-isa, eh!

Umaatake na naman ang pagiging intrimitida niya!

"Are you nuts? How did you even come up with that idea?" Singhal ko sa kaniya.

"Nagtaka ka pa! Akala mo ba hindi ko nakita 'yung ginawa niya sa'yo kanina?!"

Napahinto ako. "Anong ginawa?"

"Sus! Maang-maangan ka pa riyan! Nakita kong niyakap ka niya!"

Hindi ako nakasagot.

Well... she's not wrong about that.

Naalala ko na naman kasi ang ginawa ng gagong 'yon kanina. Hindi ko alam kung nasisiraan na ba siya ng ulo or... he's just doing that para bwisitin ako.

Pagkatapos naming magpresent ng powerpoint namin, sinabi na kaagad ang grades ng bawat grupo. At nang tinawag na ang grupo namin...

"Last group. Your grade is... 99!"

Hindi naman na ako nagulat doon dahil kahit kulang sa information ang powerpoint, sumobra naman kami sa explanation.

Kaya lang, itong katabi ko, mukhang hindi makapaniwala. Ten seconds yatang nakatakip ang kamay niya sa kaniyang bibig dahil sa gulat.

What's with him? Hindi ba siya nakakuha ng ganoong grades?

"Huy. Anong nangyari sa'yo?" Pagtawag ko sa kaniya.

Matagal-tagal bago siya makasagot. "W-We got 99..."

"And?"

"I said we got 99!"

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now