Finalmente

96 6 3
                                    

"Talaga naman itong batang 'to—bumalik ka rito! Pagagalitan ako ng Mommy mo!" Nagkukumahog si Yaya sa paghabol sa'kin.

"Just tell her that I'll be back!" Sabi ko at saka binuksan ang payong na hawak ko.

"Mikel! Bumalik ka sabi rito!"

Paulit-ulit na sumigaw si Yaya pero hindi ko siya pinakinggan. Pakialam ko naman? Kapag nandito si Mommy, lagi niya akong kinukulong sa loob ng bahay. She doesn't want me to leave our house unless we have outings.

Today is rainy day. Hindi naman ganoon kalakas ang ulan pero gusto ko pa ring magdala ng payong. Sakitin din kasi ako.

I hate the rain. Sa tuwing umuulan, hindi ako mapakali. I feel like I'm all alone.

Lakad-takbo ang ginawa ko sa takot na masundan ako ni Yaya. Napahinto na lang nang makita ko ang isang batang babae na umiiyak at nakaupo sa daan.

Kahit malayo ako, kitang-kita ko ang mukha niya...

Ang ganda niya. Ilang taon na kaya siya? I want to become his boyfriend.

"Waah!" Umiiyak na sabi niya habang nagpapapadyak.

Nilapitan ko siya at saka pinayungan.

Bakit kaya siya umiiyak?

Gulat siyang napatingin sa'kin maya-maya lang. "Waah! H'wag po Kuya, huhu!"

Nangunot ang noo ko. "What are you doing?"

"Hay, salamat." Parang nakahinga siya nang maluwag.

Ang ganda niya talaga...

"I am asking you, what are you doing?" Mataman kong ulit.

Proud na tumayo ang batang babae at pinakilala ang sarili niya. Hindi ko na mapigilang matawa dahil mali pala ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko.

"Sinabi ko bang tumawa ka?" Ang taray niya bigla.

"Sorry I just can't help..."

Nagtaka siya. "Hindi ka makatulong? Saan?"

Natawa ulit ako. So innocent.

"Ano bang ginagawa mo rito? Istorbo ka, ah?"

I shook my head. "Ikaw? Anong ginagawa mo?"

"Naliligo sa ulan. Hindi mo ba nakikita?"

"Mahilig kang maligo sa ulan?"

"Oo. Ikaw ba, hindi?"

"Nope. I might get sick." At pwede rin akong pagalitan ni Mommy.

"Huh? Bakit ka naman magkakasakit?" Takang tanong niya.

Seriously? Pati iyon ay itatanong niya pa? "Kasi siyempre... malamig, tapos... maliligo ka pa sa ulan."

"Eh?!"

Ngumiwi ako. "Ikaw? Hindi ka ba nagkakasakit kapag nagpapaulan ka?"

Ngumuso siya. So cute. Ang sarap niyang iuwi sa bahay. "Hindi. Matibay kaya ang mga muscles ko."

"Wow, ang galing. Hehe."

I introduced myself to her. Then she decided to call me kuya.

Kuya? We aren't siblings. Mag-boyfriend girlfriend, pwede pa.

Maine. I created that nickname for her. She's so cute.

Medyo dumidilim na ang paligid. Gumagabi na pala.

Nagpaalam ako sa kaniya na uuwi na ako. Hindi rin naman ako pwedeng magtagal sa labas tuwing ganitong oras.

"Teka!" Habol niya.

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα