Chapter 29

42 3 4
                                    

Chapter 29

Matapos akong isayaw ni Troviance ay walang pahi-pahingang sumunod si Gerry. Hindi kagaya noong una, hindi na namin tinapos ang isang buong kanta. I mean, putang ina lang... sobrang sakit na ng paa ko because of this five inches heels na suot-suot ko ngayong gabi!

"Thank you." Sagot ko nang alalayan ako ni Gerry na maupo.

"Welcome." Sabi niya at saka naglakad na papalayo.

"Hoy, Charmaine Skyler! Nag-enjoy ka naman yata masiyado?" Nilingon ko si Diana na kanina pa nakaupo habang busy sa pagkalikot ng cellphone niya.

"That's my goal for this night, Diana. Hindi mo ako kagaya na sa sobrang killjoy, si Drakeson lang ang naisayaw..." Pailing-iling na sabi ko.

Paano kasi, pagkatapos nilang magsayaw ni Drake, pinaupo na kaagad siya nito. Ayaw siguro na may kasayaw si Diana na iba.

"Loyal ako, eh. Wala kang magagawa." Nakangising ani ng kaibigan ko.

"Loyal ka, loyal ba sa'yo?"

Napatigil siya sa pagpindot ng cellphone niya at nag-angat ng tingin sa'kin. I think I hit her below the belt.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Hoy... FYI lang, ha? Kahit hindi kami ni Drake, ako lang ang isinayaw no'n, wala nang iba!"

"Aray." Kunwaring daing ko. "Ang sakit naman no'n? Wala pala kayong label."

"At least nagkakaintindihan kami." Proud pa rin niyang sagot. "Huwag na nga nating pag-usapan 'yan! Tulungan mo na lang ako!"

"Saan naman?"

"Si Francine kasi! Kanina pa nawawala!"

Umikot ang mata ko. "Alam ko..."

"Alam mo naman pala, eh! Bakit chill ka pa rin diyan?"

"Ang OA mo."

"Hindi ka ba nag-aalala? Kaibigan natin 'yon!" Exaggerated niyang sabi kaya napailing na lang ako.

"Kumalma ka nga. Si Jericho ang kasama no'n."

"Si Jericho?" Tanong niya. "Pa'no mo naman nasabi?"

"Sabi ni Gerry, nakita raw niya si Francine na may kasamang lalaking naka-cap na parang boyfriend niya, so..."

Nanlaki ang butas ng ilong ng kaibigan ko. "Sus! 'Yan lang ang basehan mo?"

Nagkibit-balikat ako. "Oo naman. May iba pa ba siyang pwedeng maging so-called boyfriend bukod sa ka-MU niya?"

"Charmaine, si Jericho, sa ibang school 'yon nag-aaral. Dito sa prom na 'to, bawal ang outsider. So... paanong magiging posible 'yang sinasabi mo? Eh may guard kayang nakabantay sa labas!"

Natigilan ako at napakurap. 

Oh, god...

Gusto ko tuloy bigla pukpukin ang ulo ko. 

"Ano? Naniwala ka kasi agad kay Gerry, eh! Iyan ang napapala mo!"

Kinabahan tuloy ako. "N-Na-contact mo na ba?"

Diana shook her head.

Magkahalong guilt at kaba ang naramdaman ko. 

Bakit nga ba hindi ko naisip 'yon kanina? Mas pinili ko pang magpa-chill-chill lang sa upuan kaysa isipin si Francine! Paano kung masamang tao nga ang kasama niya kanina? Paano kung na-kidnap pala siya at hihingan ng ransom ang pamilya niya? 

Shit, napa-paranoid na ako. Imposibleng mangyari ang mga iniisip ko!

"Pero... nag-text siya."

Nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni Diana. "Anong sabi?"

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now