Chapter 9

73 3 3
                                    

Chapter 9

"Bukas na lang tayo gagawa?" Tanong ni Francine sa'kin. She's talking about our TLE project, the recipe book. We are currently making plans for it dahil hindi naman iyon pwedeng balewalain.

Of course, part ng grades.

"Ikaw bahala."

"Eh? Bakit ako?"

I smiled. "Wala akong creativity sa katawan so... you decide. I know you're pretty artistic."

Hindi kasi ako fan ng arts. Sa katunayan, asar na asar pa nga ako kapag may pinagagawang mga paintings, drawings, or even designing sa mga projects namin. Bumabalik kasi ang drawing ko sa grade one kapag ganiyan ang usapan.

"Gano'n? Hahaha. Sige. I'll text you na lang kung kailan tayo magsisimula."

Tumango ako.  "Uuwi ka na?"

"Yup. Hinihintay ko lang ang sundo ko."

"Matagal pa?"

"Maybe? Hindi pa nagre-reply, eh."

"Gusto mong sumabay na sa'kin?" Yaya ko.

Mabilis siyang umiling. "Hindi na. Baka may kasabay ka, eh."

"Si Diana lang naman."

"Even so. Nakakahiya kaya."

Tumango ako. "Ikaw bahala."

"Charmaine!"

Napalingon ako sa likod ko.

"Oh? Ang tagal mo, ah?" Tanong ko kay Diana.

Dapat talaga ay sabay kaming pupunta dito sa parking lot. Nagpaiwan pa lang talaga siya dahil may nakalimutan daw siyang kunin.

"May humarang pa kasi sa'kin." Hinihingal niyang sagot.

"Humarang? Manliligaw mo?" Singit ni Francine.

Hindi siya makapaniwalang tumingin kay Francine. "Kapag may humarang, manliligaw agad? Hindi ba pwedeng guard lang dahil naiwan ko yung ID ko?"

Napailing ako. "Ang tanga mo naman."

"Grabe! Tanga agad? Nakakasakit ka na, hoy!"

Umikot ang mata ko. "Whatever. Tara na."

"Saan?"

"Uuwi na! O gusto mong matulog dito sa parking lot?"

"Basta ba sasamahan mo ako, eh?"

"Baliw. Tara na." Yakag ko.

"Eh bakit hindi mo pa isabay 'tong si Francine?"

Francine shook her head. "May susundo sa'kin."

"Sino naman?"

"Si---"

"Oh, there you are!" Sigaw ng isang lalaki habang papalapit sa'min.

Sino naman 'to?

Hindi siya mukhang tatay ni Francine. Sopistikado kasi ang dating niya at medyo... teenager ang atake. Hindi rin naman niya ito kuya dahil only child lang siya sa pagkakaalam ko.

And most especially... hindi siya kaibigan lang. Iba ang tinginan nila, parang 'yung sinasabi nilang may... sparks.

"Hi!" Francine kissed his cheeks.

"Sorry, nahuli ako ng dating." Inakbayan niya ang kaibigan ko.

Sabi ko na, eh!

"Oh, by the way..." Humarap si Francine sa'min ni Diana. "These are my friends, Diana and Charmaine."

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin