Chapter 3

91 4 13
                                    

Chapter 3

Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko.

Luluhod? Ako? Ha! Asa siya!

Pilit kong ikinalma ang sarili ko despite of me, being pissed because of her. "I said sorry already."

"I don't care! Kneel!"

"Why would I?" I don't have any energy to fight back but I shouldn't just let her treat me like a random douchebag on the street!

"Aba't sumasagot ka pa?! Hindi mo ba kilaka kung sinong binabangga mo?"

Gusto kong tumawa nang malakas. Seriously, what a war freak!

"Wala akong panahong kilalanin ka. Ngayon, kung hindi mo kayang yumuko at punasan ang sarili mong sapatos, hindi ko na problema 'yon—"

Napatigil ako nang sampalin niya ako.

"Tang ina ka, Char, lumaban ka!" Bugaw sa'kin ni Diana.

No, thanks. Once na gumanti ako, she will fight back again. Eh 'di magkakaroon pa ng gulo. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay nagiging center of attention.

I'll just handle this verbally since I'm really good at dissing people.

"Excuse me, who the hell are you?!" Bumaling ang impakta kay Diana.

"Yuck! Interested sa pangalan ko!"

"Duh?! You wish!"

Nanlaki ang butas ng ilong ni Diana. Kung barahan lang ang usapan, ilalaban ko na 'tong kaibigan ko! "Pa-english english ka pa riyan, pare-parehas lang naman tayong nag-uurong sa bahay!"

"What?"

"Wala! Leche! Ang hirap makipag-usap sa mga feeling foreigner!" Humarap siya sa'kin. "Pigilan mo 'ko, Char. Makakasapak ako ng pangit."

"Sige lang."

"Hey, you!" Sigaw ng babae. "What the hell are you doing?! I said, clean my shoes or else--"

"What?! I'm gonna taste hell?" Pambabara ko.

Sinampal niya ulit ako.

"Tang ina." Mura ko dahil pakiramdam ko'y namanhid na ang kanang pisngi ko. "What do you want?!"

"Ano ba?! Bingi ka ba o sadyang tanga ka lang talaga?! Ang sabi ko, linisin mo 'yang sapatos ko!"

"What if I don't want to?" Pabalang na sagot ko kaya umamba na siyang mananampal.

Sinangga ko ang kamay niya at pabatong binitawan 'yon.

"Spoiled brat..."

Kumunot ang noo niya. "What?"

"Ang sabi ko, spoiled brat ka. Akala mo, lahat ng gustuhin mo, masusunod at makukuha mo. Sino ka ba sa akala mo?"

"It's not my fault that you don't know me..."

"Regardless of who you are, you have no right to demand something from me. I have done my part. Nag-apologize ako. How about you? Shouldn't you apologize for what you did?"

Suminghal siya. "Are you serious? There's nothing to apologize for!"

"Meron..." Sabi ko at saka malakas siyang sinampal. "Hindi ba't ganyan ang ginawa mo sa'kin kanina?"

Kanina pa talaga ako nagpipigil at kung maaari, ayoko ngang lumaban. But she slapped me twice! What does she expect me to do? Give her a free pass? Bahala na kung magkagulo kami rito.

Mabait ako sa mga taong nakapaligid sa'kin, pero kapag nasasagad na ang pasensiya ko, higit pa sa pananampal ang kaya kong gawin.

Pumaling ang ulo niya dahil sa sampal kong 'yon. Serves her right.

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now