Chapter 50

25 4 4
                                    

Chapter 50

Sunday... ah....

The best day to rest.

I spent my time resting on Sundays—forgetting any of my works and all. Kaya nga ngayon, nasa simbahan kami nina Papa, Kuya, Lux, at Mama—my stepmother, I mean.

"Kaya naman ngayon, ibigay natin ang kapayapaan sa isa't-isa." Father said.

"Peace be with you." Isa-isa kong hinalikan sa pisngi ang apat kong kasama.

"Peace be with you, li'l sis!" Si Kuya 'yon.

"Peace be with you, Ate." Si Lux.

"Peace be with you, prinsesa ko." Sabay na sabi nina Mama at Papa.

Ngumiti ako at humarap sa altar. This is the best gift from God. Ang makasama ko ang mga mahal ko sa buhay araw-araw.

I'm very thankful that Lux is in good condition right now. Natanggal na ang tumor sa utak niya at hindi na siya nagkakaroon ng sakit ngayon. And by the way, he's already thirteen years old now. Single and ready to mingle. Pinagbebenta ko na ang kapatid ko.

Si Kuya naman, hindi ko alam kung bakla ba o torpe lang talaga siya. Lalampas na sa kalendaryo, hindi pa rin nagkakaroon ng girlfriend. But she had a lot of flings, you know.

Si Mama at Papa, iyon... sweet pa rin. Kahit na madalas na pumupunta si Mama Chiena sa'min, hindi talaga natitibag ang relasyon nila.

As it should, I guess.

If you're wondering kung bakit pumupunta sa'min si Mama Chiena, dahil iyon sa dalawa kong kapatid at... sa'kin. Aniya'y hindi raw siya manggugulo sa relasyon ng stepmom ko at ni Papa basta hayaan lang siya na makita kaming magkakapatid. She's harmless naman.

After all, I think... ayos na kaming lahat at nagkapatawaran na kami. Though, hindi pa rin talaga maiiwasan ang ilangan lalo na sa pagitan ng stepmom ko at ni Mama.

I can still feel the tension between them whenever they are together. Hula ko kasi'y may feelings pa si Mama Chiena kay Papa. Ewan ko lang si Papa kung mayroon pa.

That's impossible, anyway.

Suminghap ako at bumaling sa harapan ko. Mamaya ko na siguro iisipin ang mga magagandang pagbabagong nangyari sa buhay ko pag-uwi namin.

Mabilis ang pagtakbo ng oras, natapos na ang misa. Sa bahay agad ang diretso namin. Gano'n lagi ang routine naming pamilya t'wing linggo. Walang mintis 'yon. Pa'no ba naman... lagi sa'ming pinapaala ni Papa na masamang pumupunta kung saan-saan kapag nanggaling ka sa simbahan. He's still strict as hell.

Nag-ihaw kami ng barbecue sa garden namin. Naglapag din kami ng blanket sa bermuda grass at saka roon nagpagulong-gulong. Joke. Naupo lang kami.

Tumayo ako at tumulong sa paghahanda ng pagkain.

"Hey..."

Lumingon ako kay Kuya.

"Yes?"

"Bakit 'di mo kasama ang asawa mo?"

Umangat ang isa kong kilay. Asawa? "Si Troviance?"

Agad na umasim ang mukha niya.

Since the very start of our relationship, mahahalata mo na ayaw ni kuya sa kanya. Hobby na nga yata niyang barahin si Troviance, eh. Plus, 'yung mga tingin niya sa boyfriend ko, para siyang papatay. He seriously looks like a serial killer!

I asked Kuya about that. I confronted him. Pero ang sinagot niya lang sa'kin... "Eh paano, ginawa ka na niyang instant asawa?"

Napailing na lang ako. Alam naman ng lahat kung bakit magka-live in kami ngayon ni Troviance. That's ought to serious matter. Walang halong biruan, walang halong lokohan. Just serious.

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon