Chapter 24

47 3 2
                                    

Chapter 24

Dumiretso kami agad ni Diana sa Luz Kitchenette to meet my parents. Hindi na kami nag-abalang umuwi pa sa mga bahay namin dahil kanina pa raw naghihintay sina Mama at Papa.

"Bakit ba kailangang kasama pa ako?" Natatarantang sabi ni Diana habang pababa kami sa kotse ko.

Pinagpag ko ang uniform ko. "Gutom ka na, 'di ba?"

"Eh... nakakahiya!"

Pinagkunutan ko siya ng noo. "Bakit ka naman mahihiya? Uunahin mo pa ba ang hiya mo kahit gutom na gutom ka na?"

"Tignan mo naman ako..." Huminto siya sa paglalakad at sinenyas ang sarili niya "Char, alam kong maganda ako pero may mga oras na naha-haggard din ako! Please remember that, okay?"

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila papasok ng restaurant. "Tara na. Gutom lang 'yan."

Nakita kong umikot ang mata niya. "Bwisit. Parang hindi kita kaibigan, ah?"

"Hindi naman talaga." Biro ko.

Pagpasok namin sa loob, hindi na kami nahirapang hanapin sina Mama at Papa dahil sa bungad lang sila ng counter nakaupo.

Nang matanawan kami ni Papa ay sinenyasan niya agad kami. Mabilis naman kaming pumunta roon at saka umupo sa dalawang upuang nasa harapan nila.

"Good evening, 'Ma, 'Pa." I greeted them as I kissed their cheeks.

"Good evening, princess."

"Good eve, baby Maine."

"Good evening ho, Tito, Tita. Pasensiya na po at sumabit pa ako sa anak ninyo." Diana also kissed my parents' cheeks.

"That's okay, hija. And besides, I'm very delighted that my daughter brought you here." Nakangiting sagot ni Mama sa kaniya.

"Thank you, Tita!"

"You're always welcome."

Ngumiti ako. I really like Mama's attitude. Hindi siya 'yung tipo ng tao na mabait lang in public. She's not the plastic type. Kung sino siya, 'yun ang pinapakita niya. That's why I find her attitude amazing and that's why... Papa loves her so much

Mas lalo akong napangiti sa isiping 'yon.

I took a glance at the table. Maraming nakahain sa mesa. Chopsuey, fish and chicken fillet, papaitang kambing, bopis, tempura, and crispy pata.

Halos tumulo tuloy ang laway ko dahil paborito ko lahat ng mga in-order nila.

Mukhang mabubusog yata ako ngayong gabi, ah?

"Baka hindi ako makakain nito hanggang bukas." Bulong sa'kin ni Diana kaya natawa na lang ako.

"Eh 'di ayos..."

I started eating my food without saying anything. Kaunti lang muna ang nilagay kong rice sa plato ko dahil baka ma-empacho ako kapag binigla ko ang sarili ko.

Una kong kinuha ang chopsuey. I don't know but it's my favorite dish. Feeling ko kasi, hindi kumpleto ang pagkain ko sa restaurant kapag walang chopsuey.

It's such a nice refresher. You know... we are now living in a world surrounded by meat.

Medyo binagalan ko ang pagkain ko kahit sarap na sarap na ako. Sa mga ganitong lugar, kailangan talaga medyo pa-sweet ka lang.

I shifted my glance at the table next to us. Mas mahaba ang table na iyon kumpara sa amin dahil mas marami sila. Also, mukhang may birthday celebrant since there is a huge cake in the middle of their table.

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now