Chapter 21

51 5 4
                                    

Chapter 21

Despite Mikel, saying a bunch of flowery words, wala siyang nagawa kung hindi ang panoorin si Papa na i-apply ang cold compress sa panga ko.

Siyempre... si Papa na 'yon. Papalag pa ba siya?

"Aray, Papa. Ayusin mo naman." Daing ko dahil dinidiin niya ang ice pack sa panga ko.

Napakislot ang dalawa sa tabi ko--I mean... sina Troviance at Mikel.

Naiintindihan ko kung bakit matiyagang naghihintay sa'kin si Troviance dahil magpa-practice pa kami para sa presentation. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit... nandito pa rin si Mikel.

Well, hindi naman sa gusto ko na siyang paalisin. Ang sa'kin lang, parang... mas lalo ko pa siyang naiistorbo dahil sa pag-s-stay niya rito sa bahay.

Basically, ganoon na rin pala ang point. Pinapaalis ko na nga siya, sa madaling salita.

"Hay naku, Charmaine Skyler, 'ni lamok nga hindi ko hinahayaang dumapo sa balat mo! Tapos, makikita kong... may pasa ka?" Mas diniinan pa ni Papa ang ice pack kaya napaigtad na ako.

"Papa!"

"Tito, dahan-dahan naman po..." Sabat ni Mikel pero hindi siya pinansin ni Papa.

"Kung hindi lang aksidente ang nangyari, sinisigurado ko... mapapatay ko talaga ang kung sino ang gumawa niyan sa'yo."

Napailing ako. 

See? Told you! He's overprotective!

"Iyan, okay na. Magpasuntok ka ulit, ah?" Tinanggal niya na ang ice pack sa panga ko.

"Grabe ka naman, Papa." Ngumuso ako.

"Kung nalaman ko lang... sana sinama na kita sa Nueva Ecija."

"Okay na, Papa. Nangyari na. Huwag mo nang palakihin, okay?"

"What choice do I have?"

Napangiti ako. "Thank you, Papa! I love you!"

"Diyan ka magaling, eh, 'no? Kapag alam mong hindi kita matitiis, bibirahan mo ako nang ganiyan."

Natawa ako. I knew it. He can't resist me!

"Sorry na, Papa. I love you na po." Malambing kong sabi.

"I love you too, prinsesa ko." He kissed my cheeks. "Sige na. Gawin niyo na ang dapat niyong gawin. Aalis na muna kami ng Mama mo."

"Okay po."

Napalingon ako kay Mikel nang bigla siyang tumayo. "Aalis na rin po ako, Tito."

Oh?

Umawang ang labi ko.

"Bakit naman?" Tanong ni Papa.

"May gagawin pa raw po sila, eh." Mariing sabi niya sabay nguso sa amin ni Troviance.

"Sila lang?"

"Opo. Hinatid ko lang talaga si Charmaine."

"Hinatid, pero umabot ka ng tatlong oras? Ibang klase pala ang ibig sabihin ng hatid sa'yo, ano?" Prangkang ani Papa sa kaniya.

Ngumisi si Mikel. "One at a time lang po kasi ang kayang i-entertain ng prinsesa niyo."

Napairap ako.

He's being sarcastic now? Abnormal talaga.

"Hindi ko tinatanong." Baritonong sagot ni Papa. "Oh, siya. Kung aalis ka na... umalis ka na. Ang dami-dami mo pang sinasabi riyan."

"Para namang pinagtatabuyan niyo ako niyan, Tito."

"Kung iyan ang gusto mong isipin, sige, tinataboy kita."

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon