Chapter 7

68 3 1
                                    

Chapter 7

"Miss Buenafardo, are you listening?"

Mabilis akong napalingon sa aking harapan. 

Shit, may klase nga pala. "Yes, Ma'am..."

"Okay. We'll continue." Aniya sabay harap sa aming transferee.

Napabuntonghininga ako. Time really stops when you're thinking of something deep. I can't even recall what she said after hearing his name!

"Hijo, gaya nga ng sabi ko kanina, magpapakilala isa-isa ang mga kaklase mo sa'yo. Sana'y may maging kaibigan ka sa kanila."

Halos manginig ako sa kaba nang marinig iyon.

Kapag may transferee, lahat ng students dito sa school ay obligadong magpakilala sa kaniya. Walang makakaligtas. Kaya maski ako, hindi makakatakas.

Napapikit ako.

I need to calm down. I shouldn't show him that I'm still affected by his presence. Matagal ko na siyang binura sa buhay ko, so... he doesn't deserve any inch of my attention.

"Okay, let's start."

Nauna ang mga kaklase kong may apelyido na letter A. Alphabetical order kasi ang seating arrangement namin. 

"Hi! I'm Krishna Marie Atayde! Please to meet you!" Magiliw na bati ni Krishna kay Mikel.

"Same here." Sagot na lang nito at saka humarap sa susunod.

"H-Hello. Ako si Maniella Avista." Nahihiyang sabi ni Ella.

"Yeah. Mikel here."

Letter B na ang susunod.

"Jorross Batumbakal, bro! Nice to meet you!" Nakipagkamay si Mikel kay Jorross.

"Nice to meet you, too."

"Janella Belle Bark! I hope we can be friends."

"Sure."

Napakurap ako.

Kailan pa naging friendly si Mikel?

"Francine Lynea Buen de Luna! Hi! Nice to meet you!" Pagpapakilala ni Francine sa kaniya kaya't tinanguan niya ito.

Maya-maya pa'y ako na ang sumunod.

"Charmaine Skyler Buenafardo." I acted cool, like... I didn't know him at all. "Nice to... meet you?"

As if it's really nice to meet him! Kung pwede nga lang ay ayoko siyang makita sa harapan ko ngayon. Nagtitiis na lang talaga ako!

Hindi nakatakas sa paningin ko ang paniningkit ng kaniyang mga mata. Maya-maya'y naglahad siya ng kamay kaya natigilan ako.

Seriously? What's up with my reactions? I said I really wanted to act like I'm not bothered pero ayaw makisama ng katawan ko!

Mahina akong suminghap at tinanggap ang kamay niya. Tss! Para namang may iba pa akong choice.

"Nice to... meet you, too?" He smirked a bit.

Umupo na ako at pinanood siyang kamayan ang lahat ng kaklase ko.

"Hello! I'm Diana Divine Calliente!" Plastik na ngumiti si Diana sa kaniya.

Of course, she knows about Mikel. Pwede ba namang hindi eh... kaibigan ko iyan? At saka sa kulit ni Diana, hindi pwede na may sikreto ako sa kaniya kahit maliit na bagay lang. Masiyado siyang mahirap traydurin.

"I'm Troviance Harold Hollister." Tipid na pagpapakilala ni Troviance sa kaniya.

"Mikel Del Fuentes."

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon