Chapter 62

28 3 0
                                    

Chapter 62

I woke up at exactly two in the morning. Actually, I was awake all this time dahil hindi ako makatulog. Those words are repeated in my mind again and again.

I decided to go outside. Medyo sariwa pa rin sa'kin ang lahat, kaya... gusto kong makapag isip-isip tungkol doon.

I embraced myself as the wind welcomed me outside. Sobrang lamig ng hangin tuwing ganitong oras. I felt relief... slightly.

I sighed.

Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to?

Inangat ko ang ulo ko nang maramdaman ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

"Why am I so emotional?" Mahinang sabi ko sa sarili ko. "Hindi naman ako ganoon. I'm not that kind of person. I'm not..."

Mahirap din pala ang nasa ganitong sitwasyon. Everything was perfect at first. Everything has love. Everything is full of magic.

You know, thinking about the dream partner... wala na akong mahihiling kay Troviance. He's almost perfect. Kahit na sinong babae ay hahangarin na maging boyfriend ang lalaking katulad niya.

It's not beyond my knowledge na mayroon siyang immense love for his family aside from science. I love him for that.

Hindi man sila ganoon kayaman, siya naman ang kumakayod para sa pamilya niya. Just... see, what a nice guy he is.

Iyon nga lang, lahat nang pinaghirapan niya—namin, nauwi lang sa lahat dahil sa isang insidente.

Aside from that, napakarami kong sikreto na tinatago sa kaniya. I haven't forgotten those. Una, nakipag-sex ako sa lalaking buong akala ko ay hindi ko kilala. Pangalawa, I had signed a marriage contract with the same guy. Meaning, I'm married to him.

Sino ang puno't dulo?

Si Troviance din naman.

Kung hindi ko nalaman na magkasabwat sila ni Mama sa paggamit kay Lux, hindi sana ako nakipag-break sa kaniya at hindi nagpakalasing sa bar. All in all, wala ring one night stand na magaganap. Wala ring contract kung hindi naakasidente ang mama niya.

Hindi ko siya sinisisi sa mga nararanasan kong paghihirap ngayon. I'm just stating that he is a factor. Alam ko naman kasi na ako pa rin ang may mali, at some point.

Now that I have money, ang hinihintay ko na lang ay tuluyan nang umayos ang kompanya. Then... hihiwalayan ko na si Mikel.

About Troviance... I have been assessing myself if I still want to... get back with him. Considering na ang daming nangyari sa pagitan naming dalawa? Maraming... pagbabago. We will never be the same couple before.

Tapos... he's naturally showing this side na lagi kong kinaiinisan. Masiyado siyang... in rush. Kapag nag-sorry siya, gusto niya okay na kami. Gusto niya, wala na lahat ng galit ko sa kaniya. And I believe that's not how it should be.

Ang perfect example? The incident with her grandma.

Kung sa iba, hindi iyon big deal, ibahin niya ako. Paulit-ulit na lang pero sana maintindihan niya na noon pa man, sobrang emotional ko. I may look brave most of the time but I'm actually weak inside. Mabilis akong tablan ng mga masasakit na salita. At kahit sino naman siguro ay magagalit kung masasabihan siya ng malandi at pokpok, hindi ba?

Pero kahit na ganoon, mahal ko siya. Mahal ko si Troviance. He became my shoulder when I was too weak. He became my shield when I was too naive to save myself from pain. He's everything... to me.

Huminga ako nang malalim. "I think I should sleep..." Tatalikod na sana ako nang may maaninag sa katapat ng bahay namin ni Troviance.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. It's a man's shadow. Naka-hoodie, all-black. Hindi ko makita ang itsura niya dahil tanging street light lang ilaw sa labas.

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now