Chapter 34

37 3 9
                                    

Chapter 34

"Frans, you okay?" It's the tenth time that I've been asking the same question pero kahit isang beses ay hindi man lang siya sumasagot. I mean, I get it, she's not fine. Makulit lang talaga siguro ako--kami.

Nagbuntonghininga si Diana. "Tama na. Huwag mo na siyang pilitin."

Nasa classroom na kami ngayon, naghihintay ng teacher. Lumabas na si Francine ng clinic dahil ayos na raw ang pakiramdam niya. 

Of course, tumutol kami noong una about that. Iyon nga lang, hindi siya pumayag, kaya... nauwi sa ganito ang aming sitwasyon.

Sinundot ni Diana ang tagiliran niya. "Ayos ka lang ba?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Lakas ng loob manuway, siya rin pala ang mangungulit."

"Ni-try ko lang! Baka kasi ayaw lang sumagot sa'yo!"

"Sumagot ba?"

"Kaya nga try, 'di ba? Try lang, try! Leche!"

"Bakit sumisigaw ka pa?" Inis kong giit.

"Eh sa trip kong sumigaw, eh!"

Nagkibit-balikat ako. Bakit pa nga ba ako nagtataka? Nakalunok nga pala ng isang buong videoke ang kaibigan kong 'to...

"Huwag na kayong mag-away." Napapaos na sabi ni Francine. "Okay lang ako."

Tinignan ko siya nang may halong pag-aalala.

She's not okay...

Ngumiwi si Diana. "No offense meant, pero... ganiyan ba talaga ang description ng okay sa'yo? Sa itsura mong iyan, parang... hinakot mo na ang eyebags ng mga estudyante ng Shamxia! Then your voice, akala mo pagak na speaker! Are you sure you're still sane at this point?"

I hate to say this but... may point si Diana. Naiinindihan ko kung anong gusto niyang sabihin.

Mayroon kasing ugali sa Francine na lagi niyang ipinapakita sa lahat na she's okay kahit na ang totoo ay hirap na hirap na siya. She wants to look stronger in everyone's eyes. She wants to look fearless so that no one would be worried about her condition.

Para kasi sa'kin, one of the reasons why a person is mentally ill is because they had no chance to share what they feel to someone. Wala silang mapagsabihan ng mga saloobin nila at kinikimkim lang nila ito sa kanilang mga sarili na mas nakakadagdag pa sa depresyon na nararamdaman nila. 

She's not communicating her feelings...

Like me.

Well, I am sharing mine--lalo na kapag para nang puputok ang utak ko kakaisip. May ilang mga similarities lang kami especially about acting tough. Either way, we are still different. Maybe, there's something that's stopping her to open up. In my case, depende sa tao. Madalas, kay Papa lang ako nagsasabi ng mga heavy matters. Ewan ko lang siya...

"Obvious na obvious na may problema ka, Frans. Kahit ang bulag, makikitang may pinagdadaanan ka ngayon. So... tell us. Please? Magsabi ka sa amin para gumaan-gaan 'yang nararamdaman mo."

Hindi ko maiwasang humanga sa kaibigan ko.

Wala lang, ang seryoso niya kasi. Bihira lang itong mangyari.

Sumang-ayon ako. "Oo nga. Baka sakaling makatulong kami sa'yo. Kaibigan mo naman kami. Pwede kang magsabi ng kahit ano sa amin."

Tipid siyang ngumiti, halatang pilit pa. "Sasabihin ko rin sa inyo. Pero... hindi muna sa ngayon."

Nagkatinginan kami ni Diana. "Naiintindihan namin."

"Respeto naman guys! Nandiyan na si Sir!" Sigaw ni Joy, one of those sipsip slash attention seeker ng classroom namin.

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now