Chapter 31

51 3 1
                                    

Chapter 31

"Tang inang 'yan, paano naging prom queen iyang Victoria na 'yan, eh... halos lumuwa na ang kaluluwa niya noong prom!" Naghihimutok na sabi ni Diana.

Sumipsip ako ng juice. "Paramihan kaya 'yon ng boto. Alam mo namang sobrang famous niya sa campus."

"Sa bagay..." Sabi niya at saka hinango ang nai-bake niyang cookies.

I am now in Diana's house for no exact reason. Wala naman akong gagawin kaya't nagpaalam ako kina Mama na pupunta ako rito. Kahit naman araw-araw kaming nagkikita sa school ay gusto kong makipag-bond sa kaniya.

Kumuha agad ako ng cookies at sinubo 'yon. Halos umasim naman ang mukha ko nang manuot ang lasa nito sa dila ko.

"Pwe! Bakit gano'n? Lasang putik!" Dali-dali akong uminom ng tubig.

"Grabe ka naman. Hindi ba uso sa'yo ang appreciation?" 

"Ano naman ang ka-apri-appreciate dito sa ginawa mong 'to? Lasang putik, hindi lasang cookies! Pwe! Ang sama ng lasa!"

"Ang OA mo naman..." Ngumuso ang kaibigan ko.

"Sorry na."

Umiling siya. "Naku, hindi pwede sa'kin ang sorry na 'yan. Kwentuhan mo na lang ako, dali."

Kumunot ang noo ko. "Tungkol na naman saan?"

"Saan pa ba? Eh 'di sa mga kaartehan ni Mikel noong prom!"

I arched a brow. "Tinatanong mo pa eh... kasama ka nga sa mga nagplano niyon."

"Hoy, 'yung text lang ang parte namin ni Francine doon. Malay ko ba kung ano ang mga pakulo ng childhood sweetheart mo?"

Nag-iwas ako ng tingin. "He just... surprised me with balloons and our pictures. That's it."

"Iyon lang?" Para bang nanghihinayang siya. "Wala man lang makakain, gano'n?"

"Makakain? Sa loob ng CR? Ayos ka lang?" I sarcastically said.

Humalakhak ang kaibigan ko. "Oops, my bad. Nakalimutan kong may butas nga pala sa bungo 'yang si Mikel dahil bigla-bigla na lang siyang nanligaw sa loob ng CR. Hahaha."

Napailing na lang ako. 

Sa totoo lang... hindi ko talaga maisip kung bakit sa dinami-rami ng lugar sa mundo, nagtapat pa siya ng feelings sa loob ng CR. Like, seriously? Naubusan na ba siya ng ideya sa mga lugar dito sa Pilipinas?

"Pero... ang sweet niya, ah? May pakanta-kanta pa siyang nalalaman."

"Akala ko ba ay hindi mo alam ang mga pakulo niya?"

"Eme ko lang 'yon! Nagkwento talaga siya sa'min ni Francine tungkol sa gagawin niyang panliligaw sa'yo. Gusto mong marinig?"

That seems interesting, so... "Sige."

"Gabi bago mag-prom, tandang-tanda ko pa noong tinawagan niya ako sa cellphone ko. Medyo nagulat pa nga ako dahil unknown number ang naka-register sa phone ko."

Nangalumbaba ako. "Tapos?"

"Sinagot ko, siyempre. Hindi pa man ako nakakapagsalita, agad niyang binungad sa'kin kung kasama raw ba kita.'"

"Then?"

"Sabi ko, hindi. Tapos ang sagot niya naman sa'kin... 'Diana, tulungan mo naman ako, oh.'" She tried to mimick Mikel's voice. "After that, he actually said na liligawan daw niya ang baby niya. Then my reaction was like... pakialam ko sa inyo ng baby mo? But in the end, I realized na... ikaw pala ang baby na tinatawag niya."

Hindi ko alam pero bigla akong napangiti. 

"Nagtatalon ako no'n sa kilig at sinabi sa kaniya right away na tutulungan ko siyang ligawan ka. Siyempre, aayaw pa ba ako, eh... opportunity niya na 'yon para sa'yo?" Huminga siya nang malalim, preparing for another scene to tell. "So... ayun na nga, eh 'di kinwento niya sa'kin ang plano niyang gawin. Una raw, sa prom dapat siya magko-confess para sweet. Magtatago raw siya sa CR at kami na raw ni Francine ang bahalang gumawa ng paraan para mapapunta ka roon. Ang sweet niya, 'di ba?"

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now