Chapter 23

40 6 14
                                    

Chapter 23

Habang naglalakad kaming dalawa ni Troviance papunta sa canteen, napansin ko na ang daming mga mata ang nakatingin sa'min.

Ang sarap lang nilang duruin.

Troviance is back to his usual self. That nerdy boy with thick eye glasses and loose uniform. Hindi na siya masiyadong agaw-pansin ngayon, hindi tulad kahapon—kaya't nakapagtatakang... abot ang tinginan ng mga estudyante sa'min.

Napailing ako. They are so weird.

Dumiretso agad kami sa counter.

"Ano bang gusto mo?"

"Ikaw..." I can't figure out if that's a question or a statement.

"Umayos ka nga, Troviance."

"Ikaw... anong gusto mo?" Tatawa-tawang sabi niya pa kaya nakaramdam naman ako ng hiya.

I just cleared it out!

Umikot ang mata ko. "Ikaw ang tinatanong ko. Ikaw ang magpapa-libre, 'di ba?"

"Kahit ano lang. Hindi naman ako choosy sa pagkain."

"Okay."

I ordered two spaghetti and two iced tea without asking for his opinion. Ang sabi niya... kahit ano lang, eh.

Humanap na kami agad ng table at hinintay ang order namin. While waiting, pinagsalikop ko ang kamay ko sa ibabaw ng table at saka suminghap.

Matatagalan pa kaya iyon? Being with this guy right here for a long time annoys me. Mang-aasar na naman siya!

"Ang laki yata ng problema mo."

Nag-angat ako ng tingin. "Oo nga, eh. Kasing laki mo pa."

Umangat ang gilid ng labi niya. "Really?"

"Yes."

"Ako rin, may problema. Too bad kasing laki mo rin." He smirked.

Umikot ang mata ko. I saw this scene coming. "Share mo lang?"

"Share ko lang." Nakangiting sabi niya.

"Tuwang-tuwa ka ngayon, ano?"

"Sino namang hindi matutuwa? Success na nga ang presentation, may nanglibre pa sa akin."

"Malamang, success 'yan dahil ako ang kasama mo." Nagmamalaki ang tinig ko.

Natawa siya nang pagak. "Ikaw? Eh... halos maihi ka nga dahil sa kaba kanina!"

Hinampas ko ang braso niya.

"Aw!" OA niyang daing.

"I didn't know na may kasama pala akong aso rito."

"Nasa'n? Bakit 'di ko makita?" Luminga-linga pa siya sa paligid na parang tanga kaya napailing ako.

"Idiot." Bulong ko.

"Excuse me po." Natinag kaming pareho nang may dumating na canteen staff.

Oh, this must be our order.

Nilapag niya ang mga pagkain sa table namin at umalis.

"Thanks."

I grabbed the spoon and fork and started eating. Gano'n din ang ginawa ni Troviance. We're both silent dahil mukhang pareho kaming gutom.

The presentation starved us... I guess.

Habang ngumunguya, I heard a beep on my phone. Kinuha ko 'yon at tinignan kung sino ang nag-text.

Si Papa pala.

From: Papa

Let's have dinner outside, princess. Dumiretso ka na agad sa bahay, okay?

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon