Chapter 28

39 3 11
                                    

Chapter 28

Huminga ako nang malalim habang sinisilip kung sino na ang rumarampa sa gym para sa entrance ceremony. 

Last section na pala iyon ng grade nine. Susunod na kami, sa madaling salita. Hindi naman ako kinakabahan. Sa totoo lang ay na-e-excite pa nga ako.

Sobrang random talaga ng mga preferences ko...

"Malapit na tayo." Bulong sa'kin ni Gerry.

"Ayos." Nasabi ko na lang.

I think we're the fifth on the line. Marami pa kasing mauuna sa amin, obviously.

"Wow, confident."

"Bakit nag-i-english ka? Bawal iyan, 'di ba?"

Natawa siya. "As if mahuhuli nila tayo isa-isa. Ang dami kaya natin..."

I shrugged my shoulders.

Right... that's impossible.

"I guess that rule's officially out..." Inilipat ko na ang tingin ko sa entrance. Nakita kong sina Francine at Leach na ang sunod.

"Binibining Francine Lynea Buen de Luna at Ginoong Leach Marquez."

Simple lang ang paglakad ng dalawa. Mahinhin... tipid... hanggang sa makaupo sila sa table.

"Ang ganda ni Francine, 'no?" Nasabi ko na lang habang nakatingin sa kaibigan ko.

"Mas maganda ka..."

Tumaas ang kilay ko. "Eh?"

"What? I'm just telling the truth. Maganda ka naman talaga."

Pakiramdam ko'y namula ang pisngi ko. 

Bakit ba kapag ibang tao na ang pumupuri sa'kin ay nahihiya ako?

Nagsalubong ang kilay niya. "What?"

I shook my head. "Nothing."

Napatigil lang kami sa pag-uusap nang makita kung sino na ang susunod.

"Binibining Bella Mercado at Ginoong Mikel Radley Del Fuentes."

Nandito na pala ang team boxers.

Bella and Mikel are both wearing royal blue traditional clothes. Ang ganda sana ni Bella ngayon kung hindi lang siya saksakan ng arte.

Umikot ang mata ko. Sana ginawa niya na lang hikaw ang boxers ni Mikel.

Speaking of the devil... he looks handsome. Tuwing haharap siya sa audience, napapansin kong mas triple ang kagwapuhan niya kaysa kay Troviance.

Nakagat ko ang labi ko. Bakit ba lagi ko silang pinagkukumpara?

"Binibining Diana Divine Calliente at Ginoong Troviance Harold Hollister."

Chill lang ang ang kaibigan ko at si Troviance nang rumampa. Wala silang arte pagdating sa ganito--hindi katulad ng dalawang nauna sa kanila. Masiyadong---ugh, never mind!

Kinalabit ako ni Gerry. "Tayo na ang susunod."

"Kinakabahan ka, 'no?"

"Medyo."

Tinapik ko ang balikat niya. "Kaya mo 'yan. Hindi ka naman nag-iisang rarampa, eh."

Ngumiti lang siya sa'kin.

Nang makaupo na sina Diana at Troviance sa upuan nila, agad kaming tinawag ng tagapagsalita.

"Binibining Charmaine Skyler Buenafardo at Ginoong Gerald Fulgencio."

Itinaas ko ang noo ko at saka dumiretso ng tindig. 

There's nothing to be afraid of! I mean... manageable naman ang atensyon ng mga tao. Lilipas din 'to pagkatapos namin.

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now