Chapter 13

59 4 2
                                    

Chapter 13

Nagising ako nang marinig ang tunog ng cellphone ko. Pupungas-pungas akong bumangon at hinagilap 'yon sa side table ko, but...

The side table is missing!

Napakamot ako ng ulo sa katangahan kong iyon.

Stupid! Nandito nga pala ako sa bahay nila Diana! Kung hindi ko pa makita ang naghihilik na si Diana ay hindi ko iyon maaalala.

Grabe, ang himbing niyang matulog.

Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan at kinuha 'yon. Bumungad sa'kin ang sangkatutak na missed calls at texts galing kay Papa at sa isa pang unknown number.

Si Mikel siguro 'to.

From: Papa

Princess! I'm already home! Bakit wala ka raw kila Mikel? Saan ka ba nagpunta?

'Yan yung pinakahuli niyang message.

Hindi ko na iisa-isahin dahil baka matuyo na ang utak ko kakabasa sa mga iyon.

From: +639975024***

Where the hell are you? Are you in your boyfriend's house?

Nangunot ang noo ko.

Kailan pa ako nagka-boyfriend at bakit hindi man lang ako na-inform?

Nag-scroll pa ako upang mabasa ang mga texts niya.

From: +639975024***

Pick up your phone! This is Mikel! Damn it! Sabihin mo sa'kin kung nasaan ka!

Kagabi lang lahat ng mga texts niya at ang pinaka-latest na lang ay this morning, kay Papa.

Napailing ako at binaba ang cellphone ko.

Magsama sila ng nanay niyang atribida.

Tumayo ako at dumiretso ng CR para makapaghilamos. Hindi na muna ako maliligo dahil siguradong hinahanap na ako ni Papa ngayon.

No doubt, he's worried sick. Malamang, nag-o-overthink na iyon about my whereabouts.

Tulog pa rin si Diana nang makalabas ako ng CR. Bumaba na lang ako dahil napagdesisyunan ko na huwag na siyang gisingin.

Gano'n ako kabait na kaibigan.

Napahagikhik na lang ako.

"Oh, hija? Ang aga mo namang nagising?" Salubong sa'kin ni Tita Dinna.

Hell, yeah. It's still early. 5:45 AM pa lang kasi.

"Hinahanap na po ako ni Papa, eh." Nakangiting sagot ko.

"Uuwi ka na?" Parang nalungkot naman ang aura niya.

"Opo."

"Hindi pa ba gising ang anak ko?"

I shook my head. "Pakisabi na lang po sa kaniya na umalis na ako. Hindi ko na po ginising at mukhang napuyat sa slumber party namin kagabi."

"Oh, okay. Ang sweet mo namang kaibigan."

I smiled. "Thank you for letting me stay in your house last night, Tita."

"Ano ka ba! Wala 'yun, 'no! Ang kaibigan ng anak ko, kaibigan ko na rin!"

Mas lalong lumawak ang ngiti ko.

"Balik ka sa susunod, ah? I will bake you my specialty, chocolate blast cake."

"Sure. I will love that, Tita."

"Oh... siya, tatawagin ko na ang driver at nang may maghatid na sa'yo."

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now