Chapter 49

32 5 1
                                    

Chapter 49

"Salamat, Doctora. Mauuna na po ako." Paalam ng ginang sa'kin at umalis sa clinic ko.

That was my last. 12:30 PM na kasi. Pinipilit kong sundin ang time schedule ko ngayong araw kahit pa maraming bata ang nangangailangan ng check-up. Ayaw kasi akong payagan ni Troviance na mag-overtime dahil baka raw magka-ulcer ako.

He's so health-conscious. Kailangan kapag kasama mo siya, nasa healthy diet ka. Balance your meal. Meat, vegetables and milk. Dapat 'yan ang pagsasabay-sabayin mo para maging satsified ang kaluluwa niya.

Na-realize ko tuloy bigla na... ang hirap palang magka-boyfriend ng doctor. Masiyado kang magiging healthy! Baka kahit cancer ay kaya mong labanan kung ganito ang lifestyle mo.

"Babe, lunch na. Anong balak mo diyan?"

Napalingon ako sa kaniya.

Nakasandal siya sa pader habang magka-krus ang mga braso. Ang taas ng kilay niya ay halos kumabila na at umabot hanggang batok.

Ang OA ko na ba?

"Magpapalipas ka na naman ng gutom, 'no?"

I shook my head. "Mayroon pa ba akong che-check-up-in sa tingin mo?"

"Eh ano pang hinihintay mo diyan? Pasko? Bagong taon?" Iritado siya.

I rolled my eyes. "Undas. Mahihintay mo ba?"

"Tss. H'wag ka ngang pilosopo riyan."

"Hindi naman, ah. Nagtanong ka, sinagot ko lang. Saang banda ako naging pilosopo roon, huh?"

Napabuga siya ng hangin. "Kung hindi lang kita mahal, kanina pa kita hinagis palabas ng clinic na 'to."

"Kaya mong gawin 'yon?" Umawang nang konti ang labi ko. Ngayon ko lang siya narinig na magsalita nang ganito.

"Siyempre, hindi." Ginulo niya ang buhok ko. "'Lika na sa labas, Doktora. Kanina pa ako nagugutom."

"Anong gagawin natin do'n?"

Umikot ang mata nito. "Baka lalangoy."

"Ay, gano'n? Sige, mauna ka na." Sumimangot siyang agad sa biro kong 'yon.

"Halika na kasi!" Niyakag niya ako at mabilis na hinila para makalabas ng clinic.

"Teka—teka naman! H'wag mo nga akong hilahin!" Inis na sabi ko kaya napahinto siya.

"Sorry."

Ngumiti ako at pinisil ang pisngi niya. "I was just joking, Doc. No need to say sorry."

"Did I hurt you or something? I can't—"

I shut him up. "No, you did not. So... shut up, Doc, and let's go to the restaurant. Ginugutom na ako."

"Ginugutom ka na?" Gumuhit ang ngisi sa labi niya. Grabe, ang bilis niyang mag-shift ng mood. "Willing naman akong maging pagkain mo, Doctora. Basta ba papakainin mo rin ako."

Napailing ako. Kahit kailan talaga ang lalaking 'to. "Umaatake na naman 'yang kamanyakan mo. Wala bang gamot sa pharmacy para sa sakit mong 'yan?"

"Why would I find one? Your lips are available here." Kinindatan niya ako.

Sininghalan ko siya ng tingin. "Ang landi mo naman, Doc!"

"Mana sa'yo, Doctora." Kumindat siya ulit.

"Halika na nga. Mamaya mo na ako landiin. Nagugutom na talaga ako."

"Okay, Doctora."

Sinara muna namin ang clinic sandali bago lumabas. Dumiretso kami sa parking lot at sumakay ng kotse ko.

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now