Chapter 19

47 4 2
                                    

Chapter 19

"Ate, uuwi ka na po?"

I slowly nodded at Mathiee. I am already carrying my things. "Nakasama mo naman si Ate Skyler last night, eh."

I slept at her room last night. Request daw ng bata noong magising siya.

"Pero, Ate... I will miss you." Aniya sabay yakap sa'kin.

Napangiti ako. How sweet.

"Ate Skyler will miss you too, Mathiee. At saka... babalik pa naman ako."

"Totoo po?"

"Oo naman! We'll play with your barbie dolls when I come back here." Masayang sabi ko.

"Baka matagal pa po, eh."

"Just count seven nights and I'll be here again, okay?"

"Seven nights?" Tumango ako. "But that's too long!"

Umiling ako. "It's not, baby girl."

Kahit labag sa loob ko, babalik pa rin naman ako sa loob ng isang linggo sa impyernong bahay na 'to. Ako kasi 'yung tipo ng tao na kapag nangako, walang mintis na tutuparin ko iyon.

I'm true. True to my words.

"So pa'no? Aalis na si Ate Skyler?"

"One last hug na po." Ngumiti ako at niyakap siya nang napakahigpit. "I will miss you, Ate!"

"Me too, baby girl. Just wait for seven nights, okay?"

Masigla siyang tumango. "I will start counting later, Ate. Just promise me that you will come back."

"Promise. I'll come back..." I sincerely said.

"Tara na?" Yakag sa'kin ni Mikel.

Tumango ako kaya sabay kaming naglakad papasok ng kotse.

"Bye, Ate Skyler!"

Nilingon ko si Mathiee at kinawayan siya. "Ba-bye, baby girl!"

Nakangiti ang bata pero biglang nalukot ang mukha niya nang makasakay na ako sa sasakyan.

Napasimangot tuloy ako. Kung pwede lang, inuwi ko na si Mathiee. She's too adorable!

"Achoo!" Bigla akong napabahing.

Not to mention... but, lalong sumama ang pakiramdam ko pagkagising ko kaninang umaga. Mabuti nga at magaan-gaan na ngayon dahil nakainom na ako ng gamot.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Mikel, diretso pa rin ang tingin sa daan.

"Okay naman na." Sagot ko habang nakatingin pa rin sa labas.

"Mukhang... close na kayo ng pinsan ko."

Change topic agad?

"Yeah." Pagsang-ayon ko.

"Do you like her?"

Nagkibit-balikat ako. "Who wouldn't?"

Sino naman ang tangang hindi magugustuhan si Mathiee? She's so cute, innocent, and adorable at the same time.  Kaya... bakit naman tinatanong pa niya iyon? May mai-topic lang, gano'n?

Napailing ako. 

"Kung... magkaanak ka in the future, gusto mo rin ng katulad ni Mathiee?"

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Bakit naman tinatanong mo?"

"Ewan. Kusang pumasok sa isip ko, eh."

Umikot ang mata ko. "Weird."

"Ano naman weird doon?" Takang tanong niya.

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now