Chapter 40

31 4 1
                                    

Chapter 40

Marahas akong hinila ni Diana papunta sa loob ng CR. Mabilis niyang ni-lock ang pinto at saka tinignan ako nang mataman.

"Tang ina mo, baka magka-punishment na naman tayo nito..."

She ignored my statement. "Ano 'yung nangyari kanina?"

Ngumiwi ako. "Uh... debate?"

Umikot ang mata niya. "Tigilan mo ako sa pamimilosopo mo, Charmaine. Ano 'yung nangyari kanina?"

Hindi ako umimik. Hindi ko alam, pero... nag-aalangan akong sabihin sa kaniya ang naging eksena namin ni Troviance kahapon.

"I'm not dumb. Alam kong mayroong something sa inyo ni Troviance—"

"Walang something sa'min!" Pinutol ko siya.

I hate her tone of voice. Para kasing inaakusahan niya ako sa isang bagay na alam naman niyang hindi ko kayang gawin.

"Then... bakit gano'n kayo magsagutan kanina?"

"What do you mean?"

Napahilamos siya ng mukha. "I can't explain! Para kasing may iba na kayong ipino-point out habang nagde-defend kayong pareho, gano'n."

"Like what?"

"When Troviance gave emphasis to rejection... may kakaiba na akong naramdaman." Biglang huminahon ang boses niya.

Damn that Hollister! Masiyado pala siyang obvious!

"Then as the debate goes by, parang kayo na lang ang nagsasagutan. Sino naman ang hindi maghihinala roon? Maging ang mga classmates natin ay sinasabing nagpe-personal-an na raw kayo!"

Narinig ko nga kanina.

"Tapos kanina, noong nagpe-prepare si Mikel para sa surprise niya sa'yo..."

It caught my attention. May nangyari ba kanina na hindi ko alam?

"I asked for help. Sabi ko, sumama siya sa mag-aabot ng rose. Pero alam mo kung anong ginawa niya?"

Kumunot ang noo ko. "What?"

"Tinabig lang naman niya lahat ng roses. Ending? Nagkalat ang mga 'yon sa sahig."

Napaawang ang labi ko dahil sa gulat. What the hell? Troviance did—what?

"Bago siya umalis... kitang-kita ko pa 'yung masamang tingin niya kay Mikel. Gawain ba ng matinong lalaki iyon?"

Napahawak ako sa sentido ko. Gosh. He's getting into my nerves.

Kapag kumalat sa buong university na may gusto sa'kin si Troviance, ano na lang ang mangyayari? Walang iba kun'di issue! Damn fucking issue na nagsasabing I'm a flirt! At ayokong mangyari 'yon!

Noong nakaraan, na-issue si Diana sa Shamxia dahil akala ng lahat ay boyfriend niya 'yung isa naming kaklase dati. Nagkataon namang ni-chi-cheer niya si Drake noon sa basketball.

May tarantadong nagpakalat na kesyo ang landi raw ni Diana at nagtu-two time siya. Hindi raw siya marunong makuntento sa isa kaya... ayun, pinagpiyestahan siya sa social media.

Iyak siya nang iyak sa akin noon. Aniya'y hindi na raw siya papasok at magta-transfer na siya ng ibang school. Pero dahil nga mabait ako, I just comforted her hanggang sa humupa ang kaniyang issue.

No and never. I don't want that thing to happen to me.

"So... tell me..." Nagbuntonghininga siya. "May gusto ba si Troviance sa'yo?"

I shrugged my shoulders. It won't make sense kung magsisinungaling pa ako.

"Yes."

Napatakip siya sa bibig niya. "Oh my god."

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now