Chapter 15

62 5 0
                                    

Chapter 15

"Seryoso? Ginawa ni Troviance 'yon?!"

Suminangot ako. "Mukha ba akong nag-iimbento?"

Pagkatapos ng huling klase namin ay napagpasiyahan namin ni Diana na dumiretso sa Brent Cafe. For what? Of course, para magkape.

Maulan na naman kasi ang panahon ngayon kaya't ginaganahan akong magpainit... ng sikmura.

"My god! I can't imagine!" Tumili na naman siya na para bang kami lang ang tao sa loob ng cafe.

"Can't you tone down your voice? Baka ireklamo na tayo rito."

She pouted. "Grabe, ah."

"H'wag ka ngang ngumuso, mukha kang bibeng hindi matae."

"Fuck you." Sinamaan niya ako ng tingin. "Porke't binilhan ka ni Troviance ng napkin ang lakas mo nang mang-asar."

"Ano naman ang kinalaman niyon sa usapan?"

"Sus!" Kantiyaw niya. "Pakipot ka pa riyan? Bakit? Hindi ka ba kinilig sa ginawa niyang 'yon?"

Ngumiwi ako. "Bakit naman ako kikiligin?"

"Sa lahat ng tao sa mundo, ikaw ang pinakamanhid!" Bahagya niya akong kinutusan. "Engot ka ba?! Malamang nakakakilig 'yung ginawa niya! Na-wrong send ka lang sa kaniya, tapos... maya-maya lang, he did you a favor! God! Bihira lang kaya ang mga lalaking handa kang bilhan ng napkin!"

Hindi talaga ako nakaramdam ng kilig kanina. Ipupusta ko pa ang atay at balun-balunan ko.

"Hiya lang talaga ang naramdaman ko, eh."

"Hiya?! Aba'y may gano'n ka pala?"

"Oo naman, ikaw lang ang wala, eh."

"Nakakadalawa ka na, ah?" Nginisian ko lang siya.

"Siyempre... ako pa."

"Pero seryoso? Hindi ka talaga kinilig kay Troviance?"

Naiinis akong umiling. "Hindi nga."

"Tsk. Confirmed. Abnormal ka nga."

I frowned. "Ano ba kasi ang big deal doon?"

"Wala naman. Pero maitanong ko lang..."

"Ano 'yun?"

"Hindi ka ba napo-pogian kay Troviance?"

Halos maibuga ko ang iniinom kong kape dahil sa tanong niyang 'yon. Hindi ko rin alam kung bakit, OA lang kasi talaga siguro mag-react ang katawan ko.

Well, to answer her question, gwapo naman si Troviance. 'Yun nga lang ay kung... mag-aayos siya nang konti. Maganda ang facial features niya at mukhang may chance na pagkaguluhan siya ng mga babae.

Natigilan ako.

What the heck? Sa'n ko ba nakuha ang mga pinagsasabi ko?

"Hindi." Naisagot ko na lang.

Kilala ko na kasi itong si Diana, bawat sasabihin at isasagot ko, may meaning sa kaniya.

"Nakakaawa ka naman. Manhid ka na nga, bulag ka pa! Ano ka ba naman, Charmaine Skyler! Hindi mo ba nakikita? Troviance is a god! Hindi lang talaga showy ang lolo mo dahil mas gusto niya ng tahimik na buhay!" Kung makapagpaliwanag siya'y akala mo abogado siya ni Troviance.

"Anong magagawa ko? Eh sa gano'n ang nakikita ko, eh."

"Hay... ewan ko sa'yo! Basta kapag inayos na ni Troviance ang sarili niya, walang agawan, ah?"

Umikot ang mata ko. "Isaksak mo pa sa baga mo."

"One cappuccino, please."

Nagkatitigan kami pareho ni Diana nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon.

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now