Chapter 22

42 4 5
                                    

Chapter 22

Nagdiwang ang buong pagkatao ko nang malamang papasok na si Diana ngayong araw. Wala na raw kasi siyang dengue dahil naging stable na ang platelet count niya during her stay in the hospital.

Ang saya lang. May kasama na ulit ako sa paglilinis, although... matatapos na bukas ang punishment namin.

Napangiti ako. 

Sa wakas! My life will become normal again!

"Ang saya mo, ah?"

Napalingon ako sa likod ko.

"Oh, Francine? Ang aga mo, ah?" Nakangiting sambit ko nang makitang mukhang kapapasok lang ni Francine. May bitbit pa siyang bag at hindi pa siya nagsusuklay ng kaniyang buhok.

She smiled back. "I tried na pumasok nang maaga. Ang sarap pala sa feeling, 'no?"

Tama siya. Kapag kasi ganito kaaga sa school, napakalamig ng simoy ng hangin. Nakakagana mag-aral dahil ang lakas nitong magdala ng good vibes.

"Nga pala, ano nang plano sa project natin?" Biglang tanong ko.

Tang ina kasing recipe book na 'yon, puro delay na lang ang nagagawa namin!

"Ah... 'yon ba?"

Tumango ako. "Wala pa tayong nagagawa roon... right?"

"Tapos ko na."

Nanlaki ang mata ko. "Seryoso?!"

"U-huh."

Nalukot ang mukha ko. 

Ano pang role ko sa project na 'yon, kung ganoon?

"As in... tapos na tapos na?"

She chuckled. "Oo nga."

"So, hindi ako kasama riyan? I mean... wala akong naitulong."

She shook her head. "It's okay. Magbayad ka na lang. Bored kasi ako kahapon kaya naisipan kong simulan na ang recipe book. I ended up finishing it dahil talagang bored na bored ako."

Napangiti ako. Nice one!

"Magkano ba? Isang libo?"

Her jaw dropped. "Seriously? Project? Isang libo?"

Napakamot ako ng ulo. "Eh... magkano ba?"

"Fifty pesos."

"Lang?"

Natawa siya. "Bakit ba ganiyan ka mag-react? Magkano ba ang baon mo sa isang araw?"

"1,500." Seryosong sagot ko kaya napanganga siya.

Well, hindi ko naman siya masisisi. Ang OA kasi ni Papa pagdating sa mga ganitong bagay.

"Seriously?!" Hindi pa rin siya makapaniwala.

Tumango ako. "Bakit?"

"Wow! Pang-isang araw lang iyon? Ako nga five hundred lang, eh!" Giit niya.

Natawa ako. "Si Papa kasi, eh. He's overthinking. Lagi niyang sinasabi na baka raw magkulang ang isang libo sa'kin."

"Magkulang?" Gulat niyang sabi. "Halos hindi ka nga gumagastos, ah?"

Yeah, she's right. Malakas lang akong kumain ngunit hindi naman umaabot sa isang libo ang mga binibili ko. Iniipon ko kasi 'yon at nilalagay sa bank account ko. I'm a very thrifty person, just so you know.

"Nag-iipon ako." Kahit hindi naman sobrang necessary.

"Ang yaman naman na ng Papa mo, dapat hindi ka na nag-iipon sa lagay na 'yan."

Before The Rainy Day Ends (Rain Series # 1)Where stories live. Discover now