Titania's First Love [Fairy T...

By DakilangErzaScarlet

16.6K 1K 296

Erza Scarlet Love Story ❤ More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59

Chapter 54

176 14 8
By DakilangErzaScarlet

ERZA



"Kinakabahan na ko..." -Lucy.



"Kaya natin yan!" -Natsu.



Huminto kaming apat sa harapan ng gate para pumila hanggang sa makapasok kami sa loob FTH. Pagkapasok namin aya agad na bumungad sa samin ang malaking banner na nakalagay na WELCOME TO FAIRY TAIL HIGH. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang FTH. Masyado talagang pinaghandaan at pinaggastusan. Maraming mga nakatayong booth sa paligid at madaming nagkalat ng mga estudyante na galing sa ibang paaralan.



"Tara Lucy! Punta tayo sa booth na yon! Ang daming pagkain!" -Natsu.



"Ayoko nga! Masisira na figure ko--Bakit mo dinala si Happy?!" -Lucy.



"Aye!" -Happy.



Bumuga ako ng hangin at nagpatuloy sa paglalakad. Hinayaan ko na ang mga kasama ko sa kung saan nila gustong pumunta. Ginala ko ang buong FTH ng mag isa hanggang sa dalin ako ng mga paa ko sa likod ng FTB. Sumalubong sakin ang malakas na hangin at ang tahimik na paligid. Naglakad ako papunta sa malaking puno na lagi naming pwesto at doon ako umupo at sumandal.



Kumuha ako ng maliit na bato sa gilid ko at initsa ko ito sa katapat kong ilog. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at pumikit.



Hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot ngayong araw. Dapat ay masaya ako ngayon dahil araw ngayon ng mahal naming paaralan.



At birthday ko ngayon...



Dumilat ako at dinama ko ang hangin na tumatama sakin. Hindi naman ako nakakaramdam ng ganito tuwing birthday ko. Hindi ako nalulungkot. Ginagawa ko lang kasi na normal na araw ang kaarawan ko.



Pero kanina pagkagising ko, hindi manlang ako binati nila Lucy. Dapat nga ay ayos lang sakin dahil hindi ko naman ginagawang espesyal ang birthday ko. Okay lang sakin kung walang bumabati sakin. Pero ngayon, hindi ko alam kung bakit ang lungkot ko dahil hindi manlang nila ako naalala.



Nakalimutan ba nilang birthday ko ngayon?




Bumuntong hininga ulit ako at pinilit kong ngumiti sa kawalan. Bahala na. Ayokong lamunin ako ng lungkot ngayon dahil baka maaapektuhan ang gagawin naming role play namin mamayang gabi. Isasantabi ko nalang ang lungkot ko. Isasantabi ko nalang na birthday ko ngayon. Tumayo na ko at pinagpagan ko ang uniform ko.



-



"Saan ka ba galing Erza? Kanina ka pa namin hinahanap." -Lucy.



Ngumiti ako sakanya at umiling. Naglakad ako palapit sakanila. Nasa isang booth sila ngayon na punong puno ng pagkain. Napailing nalang ako ng makita ko ang madungis na mukha ni Natsu, kasama si Happy.



Teka, kasama nya si Happy?



Inalis ko ang tingin sakanya at tinapunan ko ng tingin ang katapat nila na si Gray. Nakatitig sya sakin ngayon at mukhang nag aalala. Nginitian ko sya at tumabi sakanya sa upuan.



"Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap." Agad na nag init ang mukha ko ng marinig ko ang medyo paos na boses ni Gray malapit sa tenga ko. Mabilis kong tinignan si Natsu at Lucy na nakatapat namin. Mabuti nalang ay hindi sila nakatingin samin dahil nag aaway na naman sila.



"Naglibot lang ako." Sagot ko ng hindi nakatingin sakanya.



Nang maramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko na nasa ilalim lang ng lamesa ay tumikhim ako. Agad akong yumuko ng may maalala ako. Nangyari na ito dati nung araw na umamin syang mahal nya ako. Bumilis ang pagtibok ng puso ko sa alaala na yon.



"Mira!" -Lucy.



Nag angat ako ng tingin ng sumigaw si Lucy. Tinignan ko ang kinakawayan nya ngayon. Si Mira. Nasa kabilang booth sya kasama si kapatid nyang si Elfman. Kumaway pabalik si Mira kay Lucy at nakangiting naglakad sila papunta sa pwesto namin.



"Hi Lucy. Hi Natsu. Hi Gray. Hi Erza." Nakangiting bati samin ni Mira. Ngumiti ako sakanya.l at tinanguan ko naman ang kasama nyang si Elfman.



"Oh? Bakit si Lucy at Natsu lang ang nag de-date? Nasan yung nga date nyo Gray?" -Elfman.



Mabilis akong tumingin kay Gray ng maramdaman ko ang paghigpit nya sa kamay ko na nakatago parin sa ilalim ng lamesa. Mabuti nalang ay may tela na nakapatong sa lamesa namin para hindi nila makitang magkahawak kami ng kamay ni Gray.



"May binili lang si Juvia." Walang ganang sagot ni Gray kay Elfman at muling pinisil ang kamay ko.



"Hindi kaya kami nag de-date!" Sabay na sabi ni Natsu at Lucy. Nang magkatinginan ang dalawa ay agad silang nag iwas ng tingin at dumistansya sa isa't-isa. Nagtawanan ang dalawang magkapatid.



"Ayan na pala ang partner mo Erza! Jellal!" -Mira.



Para akong na-estatwa sa sinabi ni Mira. Pasimple kong tinignan ang katabi ko. Magkasalubong ang kilay nya at umirap. Napasinghap ako ng bitawan nya ang kamay ko at walang pasabing dumistansya sakin.



"Samahan mo na si Erza. Sya lang ang walang date eh." -Elfman.



"HINDI NGA KAMI NAG DE-DATE!" Sabay na sabi ulit nila Natsu at Lucy.



Tumawa si Jellal at mabilis na tumingin sakin. Ngumuti sya sakin at lumapit sa tabi ko.



"Hi." Nakangiting sabi ni Jellal.



"Hi." Bati ko sakanya at ngumiti ng pilit. Sana hindi nya nahalata yon...



"Tss." -Gray.



"Ayan. May mga date na kayo. Aalis na kami ng kapatid ko. Hindi pa namin nalilibot ang buong FTH eh. Magkita-kita nalang tayo mamaya kapag malapit na ang role play." -Elfman.



Tumango kami sakanya at naglakad na silang magkapatid palayo saming lima.



Napansin kong nakatayo parin sa gilid ko si Jellal. Kinagat ko ang labi ko at umusad para makaupo sya. Mahaba naman itong inuupuan namin ni Gray kaya magkakasya kaming tatlo. Hindj nakaligtas sakin ang pag irap sakin ni Gray ng tignan ko sya. Dumistansya kasi ako para sa pagitan namin mauupo si Jellal. Pero nagulat ako ng marahan akong itulak ni Jellal palapit kay Gray at tumabi sa gilid ko.



Kaya ang kinalabasan, nasa magkabilang gilid ko silang dalawa.



"Nga pala Gray. Ano yung sinabi mo kila Elfman? Hindi naman bumili si Juvia ah? Hindi naman natin sya kasama?" -Lucy.



"Basta." Iritadong sagot ni Gray kay Lucy at umirap. Nagkibit balikat nalang si Lucy at inirapan din si Gray.



Hindi ako makakilos ngayon. Hindi rin ako makahinga. Ramdam na ramdam ko kasi ang tensyon sa pagitan naming tatlo. Lalo na ngayon sa posisyon namin.



GRAY



Bwisit.



Kung pwede lang itumba tong lamesa ay kanina ko pa nagawa. Tss. Bakit ba kasi dumating pa tong lalaking to? Solo ko na si Erza eh. Bakit kaylangan pa nyang magpakita at pumunta samin?



Tss. Kung bakit ba kasi nagkakilala pa silang dalawa. Kung sana kasi ako nalang yung unang nakilala at nagustuhan ni Erza.



Humalumbaba ako at pasimple kong tinignan si Erza. Base sa mukha nya ay hindi sya mapakali. Malamang ay naiilang sya ngayon lalo na't katabi nya ang nakaraan nya at ang hinaharap nya.



Si Jellal ang past nya at ako ang future nya.



Tumingin ako sa paligid. Pasimple kong ginalaw ang kanang kong kamay na nakapatong lang sa upuan. Nang mahanap ng kamay ko ang kamay ni Erza na nakapatong din sa upuan ay pasimple kong tinakpan ang bibig ko ng kaliwang kamay ko ng mapangiti ako. Okay din tong si Jellal. Buti nalang at hindi sya umupo sa pagitan namin ni Erza. Dahil kung sya ang makatabi, uupakan ko talaga sya.



Lalong lumaki ang ngiti ko ng maramdaman ko ang paninigas ni Erza. Siguro ay hindi nya inaasahan na hahawakan ko ang kamay nya lalo na ngayon na nasa tabi lang nya si Jellal. Tss, kung alam lang nya. Na kaya kong gawin ang lahat para lang makuha ko ulit sya.



"Umorder na ba kayo?" -Jellal.



Agad akong napairap ng marinig ko ang boses nya. Tsk.



"Hindi pa eh. Tumambay lang talaga kami dito." -Lucy.



"Bakit? Lilibre mo ba kami?" Taas kilay na sabi ni Natsu. Napangisi ako.



Inalis ko ang pagkakahalumbaba ko sa lamesa at umayos ng upo, pero hindi ko parin inaalis ang kamay ko na nakahawak sa kamay ni Erza. Nang tumayo si Jellal para ssiguro umorder ay tinignan ko si Erza. Tahimik lang sya na nakayuko habang kagat nya ang labi nya.



Agad akong napangiti. Ang labi nya.



"Wag mo kong titigan." Mahinang sabi ni Erza habang nakayuko parin. Halatang ayaw akong tignan.



"Gray. Baka makita ka nila Lucy!" Madiin nyang bulong. Lalo akong napangiti.



Okay lang naman sakin kung mahuli nila akong nakatitig sakanya. Mabuti nga yon eh. Para malaman na ng iba kung sino ang mahal ko. Kung sino talaga ang mahal ko. Na ipagsisigawan ko talaga kung gaano ko kamahal ang babaeng katabi ko ngayon.



"Pasensya na. Hindi ko kasi alam kung ano yung gusto nyo."



Mabilis kong inalis ang tingin ko kay Erza at tinapunan ko ng tingin ang lalaking nagsalita. Tss, si Jellal. May hawak syang tray na may lamang pagkain at sa likuran nya ay may tatlong lalaki na may hawak ding tray na puno ng pagkain.



Pabida.



"A-ang dami naman nyan Jellal!? Binili mo ba lahat ng mga pagkain dito?!" Gulat na sabi ni Lucy habang nakaturo sa mga tray.



"Wow Jellal! Kung lagi kang manlilibre magkakasund-- Aray naman! Bakit mo ko sinipa Gray!? Naghahanap ka ba ng away?!" Inis na sabi ni Natsu at tumayo.



Pinandilatan ko sya. Sana naman ay nakuha nya ang gusto kong sabihin. Tss. Akala ko ba ayaw nya rin kay Jellal at kagaya ko ay inis din sya? Tapos ngayon, na nagdala lang ng maraming pagkain balak pa nyang makipagsundo sa lalaking yon?



"Wag ka ngang OA dyan Natsu. Umupo ka na nga lang!" Inis na sabi ni Lucy at pilit na pinauupo ulit si Natsu sa tabi nya.



"Tawagin nyo nalang kami kapag may kaylangan kayo." Sabi nung lalaking isa sa mga nagdala ng mga pagkain. Tinanguan ko sila bago sila umalis.



Napansin kong nakatayo parin si Jellal sa kinatatayuan nya kanina at hawak parin nya ang tray. Tinignan ko sya. Malamig ang mata nya habang nakatingin sa, kamay namin ni Erza?



Tinignan ko ang kamay namin ni Erza na tinitignan ngayon ni Jellal. Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Erza. Napansin kong kinagat muli ni Erza ang labi nya at mas lalong yumuko. Malamang ay nahihiya sya ngayon. At mabuti nalang at hindi nya napapansin na hindi pa bumabalik si Jellal sa tabi nya. At hindi rin nya napapansin na nakatayo lang ito malapit sakanya dahil nakatingin ito sa kamay naming dalawa. 



Ayan. Tama lang yan Erza. Alisin mo si Jellal sa sistema mo. Wag mo syang pansinin. Ako lang ang pansinin mo. Ako lang.



Tinapunan kong muli si Jellal. Hindi na ko nagulat pa ng tignan nya ako ng walang mababakas na emosyon sa mga mata nya. Nagkibit-balikat ako sakanya at ngisihan sya.



Akin lang si Erza, Jellal. Akin lang sya.



-
Okay... Kinikilig ako kay Gray habang tina-type ko tong chapter na to O(≧▽≦)O Napaka-possessive talaga kay QUEEN ERZA. Pero syempre, naaawa ako kay Jellal... (KUNG BAKIT BA KASI MADAMING PAKULO ANG AUTHOR EH! :D)

Anyway, sana magustuhan nyo tong chapter na to. Mag comment kayo guys! (。’▽’。)♡

Malapit na nga palang matapos ang TITANIA'S FIRST LOVE... (╥_╥)

Continue Reading

You'll Also Like

36.2K 1.2K 98
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
Connection By Ara

Fanfiction

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
11.5M 335K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
5.6K 262 59
neardy type na mahilig magbasa ng novel about reincarnation ngunit paano kapag napunta Siya sa pinaka favorite niyang libro?... nanaisin niya pa bang...