Titania's First Love [Fairy T...

By DakilangErzaScarlet

16.6K 1K 296

Erza Scarlet Love Story ❤ More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59

Chapter 46

162 19 8
By DakilangErzaScarlet

LUCY



"Hay! Ang sakit ng batok ko!" Binaba ko ang hawak kong script at hinawakan ang batok ko.



Hay! Hindi ko napansin na nakadukdok ako at hindi manlang sumandal sa sofa. Pero ayos lang! May nakabisado naman na ko eh. Kahit na hindi pa ko nangangalahati, ayos na yon! Hehe.



"Mamaya na yan. Mag meryenda na muna tayo." Tumango kami kay Jellal at tumayo na ko para pumunta sa kusina.



"Hindi na ba babalik sila Juvia at Gray?" Hindi ko pinansin ang sinabi ni Jellal dahil nakatitig ako sa mga niluto nya.



Wow! Mukhang ang sasarap!



"Ewan. Baka hindi na?" -Natsu.



Mabilis akong umupo na hindi parin inaalis ang tingin ko sa mga niluto ni Jellal. Sinamo ko ang amoy at-- ang bango!



"Sige na Lucy. Kumain ka na." Natatawang saad ni Erza kaya naman nahihiya akong yumuko.



Eh kasi naman, nagugutom na talaga ko dahil napagod ata ako sa pagbabasa. Isa pa, ang sarap tignan ng luto ni Jellal. Hindi kasi ako makapaniwala na sanay sya sa mga ganito. Sya pa nga lang ang lalaking alam kong magluto eh. Sana naman ay tularan sya nila Gray at Natsu para naman kapag wala kami sa bahay ni Erza, kaya nilang mabuhay.



"Sige na Lucy." Nag-angat ako ng tingin at tinignan si Jellal na naka-ngiti.



Bakit ang gwapo nya?



Mabilis kong inalis ang tingin ko sakanya. Nakakahiya! Baka makita nyang namula ako. Nandidito pa naman si Erza...



Wala akong gusto kay Jellal ha? Naga-gwapuhan lang talaga ako sakanya. Tsaka ang galing pa nyang magluto. Tapos sweet. Lahat na ata ng katangiang gusto ko sa lalaki nasakanya na eh. Pero kahit na ganun sya ay wala akong gusto sakanya. Napapamangha nya lang ako. Tsaka, may Erza na sya. Dyata naman kalabanin ko ang isang Erza diba?



Edi parang nagpapakamatay nalang ako kapag ginawa ko yon.



Nahihiyang tumango ako at kumuha ng pagkain na niluto nya. Dahan-dahan kong inilapit sa bibig ko at--



"Waaaaah!!! Ang sarap!" Kumuha pa ako ng isa at isa pa at isa pa ulit.



ANG SARAP TALAGA!



Hindi ko pinansin ang mga tawa nila Erza at Jellal, at ang parang pinagbagsakan ng langit at lupa na itsura ni Natsu habang nakatingin sakin. Ah basta! Ako kakain lang! Ang sarap kaya! At hindi ko hahayangang hindi ako mabusog ng todo-todo! Hihi.



"Hinay hinay lang Lucy." Natatawang saad ni Jellal. "Meron pa."



"Talaga?!" Tumango sya sakin at ngumiti.



Tumangin naman agad ako kay Erza, nakatingin din sya sakin. Binigyan ko sya ng tingin na pinahihiwatig kong ang swerte nya kay Jellal. Mukhang nakuha naman nya ang sinasabi ng mata ko kaya nag iwas sya ng tingin sakin.



"Ang sarap talaga Jelllal! Ikaw na talaga!" Kumuha pa ko ng isa at mabilis itong sinubo. "Ang bait mo pa tsaka ang sarap mong magluto! Ang swerte ni Erza sayo!"



Nag iwas naman ng tingin si Jellal at nagpatuloy sa pagkain. Ha? Bakit ang hilig nilang dalawa na mag iwas ng tingin?



"Erza?" Tawag ko sakanya.



"Bakit Lucy?" Tanong nya at sumubo ng pagkain.



Linunok ko muna ang nasa bibug ko at nagsalita. "Kaylan mo pa alam na magaling magluto si Jellal?" Tanong ko at inabot ko ang katabi kong baso at agad na ininom iyon.



"Matagal tagal na din. Lagi nya kong pinagluluto kapag nasa bahay nya ako." -Erza.



Sa sinabing iyon ni Erza ay nabulunan ako.



S-sa bahay?! Sa bahay ni Jellal?!



A-ano n-naman k-kaya a-ang g-ginagawa nila d-don?



"Ayos ka lang ba, Luc--"



"Oh! Nandito na pala kayo." Tumayo si Jellal at kumuha pa ng panibagong pagkain. Pinunasan ko ang bibig ko at lumingon sa likuran ko.



"Tara na, kumain na mun--"



"Hindi na. Uuwi na kami." Malamig na saad ni Gray. Nasa gilid lang nya si Juvia habang nakayuko.



Hindi ko manlang sila napansin na pumasok sila. Teka san ba nagsususuot tong dalawa na to at bigla nalang aalis at bigla nalang babalik?



"Ganun ba? Gusto nyo mag uwi--"



"Hindi ko kaylangan nyan." Inabot na ni Gray yung bag nya at tumalikod na samin. "Hindi ko kaylangan ng luto mo." Madiin na sabi ni Gray at umalis na ulit sya kasama si Juvia.



Anong bang problema nung lalaking iyon? Parang habang tumatagal lumalala yung ugali nya! Nagmamagandang loob si Jellal sakanya tapos gaganyanin nya?! Sya na nga yung binibigyan ng pagkain tapos aayaw sya?! Nakakainis na si Gray! Nakakainis ang pag-uugali nya! Buti natitiis ni Juvia ang ugali nyang yon?



Nagkibit-balikat ako at humarap ulit ako sa pagkin ko. Nakaupo na ulit si Jellal at nagpatuloy na sa pagkain. Ganun din si Erza at Natsu.



Hmp! Bahala yung Gray na yun! Akala nya ipagluluto namin sya mamaya? Ha! Manigas sya sa gutom!



---



-BAHAY-



ERZA



Inilapag ko ang hawak kong script sa gilid ng kama ko at tumayo. Tinignan ko ang orasan dito at ilang minuto nalang at mag aalas-dose na. Pero hindi pa ko dinadalaw ng antok.



Lumabas ako ng kwarto para uminom ng tubig. Kanina pa ko nagbabasa ng linya ko para sa gagawing play sa anibersaryo ng FTH ng makaramdam ako ng uhaw. Pagkababa ko ng hagdan ay agad akong dumiretso sa kusina.



Pagkakuha ko ng pitchel sa ref ay sya namang pagbukas ng pintuan ng bahay.



Sino yung pumasok at pano nya nabuksan ang pinto? Nakalimutan ba ni Lucy na i-lock?



Sinara ko agad ang ref at binaba ko muna ang hawak kong pitchel sa lamesa. Baka mamaya masamang tao ang nakapasok sa bahay. Walang ingay kong kinuha ang pahabang bakal sa gilid ng ref at pasimpleng tinignan ang taong pumasok ng bahay.



Isang bulto ang nakita ko at pasuray-suray ang lakad nito. Hindi ko naman makita ang mukha nya dahil nakapatay ang ilaw sa sala. Napansin kong papunta sya dito sa kusina kaya naman agad akong nagtago.



Nang makatungtong sya sa kusina ay pumwesto na ko para hampasin ang taong pumasok. Nakatalikod kasi sya sakin at nakapatay din ang ilaw dito sa kusina kaya hindi nya ko mapapansin.



Ihahampas ko na sana ang hawak ko ng bigla nyang binuhay ang ilaw.



"G-gray?"



Mabilis syang humarap sakin at tinignan ako. "Erza?"



Unti-unti kong binaba ang hawak ko at itinabi ito sa gilid. Umayos na ko ng tayo at lumapit sa lamesa para uminom. Alam kong nakatingin sya sa mga kilos ko pero hindi ko yon pinansin.



Binaba ko na ang hawak kong baso at bumuga ng hangin. Buti naman at hindi masamang tao ang pumasok, kinabahan ako. Buti nalang at hindi ko natuloy ang paghampas. Pero bakit ngayon lang umuwi si Gray at lasing pa? Hindi ba sya umuwi kanina?



Nung umalis kasi sya ulit sa bodega ng FTH ay hindi ko ulit sya nakita, kahit ng makuwi kaming tatlo nila Lucy ay wala sya. Akala ko naman ay uuwi din sya agad. Maaga kasi akong umakyat sa kwarto ko para magbasa ng script ko. Tapos maabutan ko, ngayon lang sya umuwi at lasing pa.



Binalik ko na ang pitchel sa ref. Pasimple kong tinignan ang kinalalagyan niGray at ganun parin sya, hindi sya gumagalaw sa kinatatayuan nya habang nakatingin sakin. Medyo nailang ako sa titig nya kaya naman sinarado ko agad ang ref.



Aakyat na sana ko ng may maramdaman akong humawak sa braso ko.



"Erza..."



Kinilabutan ako ng banggitin nya ang pangalan ko. Hindi ako kumibo o gumalaw kaya naman nakatalikod parin ako sakanya. 



"Erza." Tawag nya ulit pero ngayon ay hinigpitan nya ang hawak nya sakin pero hindi iyon masakit. Hinablot nya iyon kaya naman napaharap ako sakanya.



"Erza..." Napasinghap ako dahil ang lapit nya sakin. Naamoy ko din ang alak sakanya. Malamang ay nakaharap nya si Cana kaya naman ganito sya.



Hindi parin ako kumikibo at nakatingin lang ako sakanya. Lasing na lasing sya at mukhang bigo? Hindi ko alam... Para kasing ang layo ng Gray na nakilala ko noon sa ngayon.



Ah, baka nag away sila ni Juvia kaya sya naglasing.



"E-erza..." Nanigas ako ng sinubsob nya ang mukha nya sa balikat ko. Napasinghap ako ng ihilig nya ang mukha nya sa leeg ko para maramdaman ko ang hininga nya doon.



Ano bang nangyayari kay Gray?



Ilalayo ko sana sya sakin ng ilagay nya ang dalawang kamay nya sa bewang. "Erza..."



Pinilit kong itulak ang katawan nya sakin pero mas humigpit lang ang yakap nya sa bewang ko. Bumuga ako ng hangin at hinayaan nalang sya.



Hindi ko alam kung anong gustong ipalabas ni Gray dahil bigla nalang sya gumaganto. May Juvia na sya hindi ba? Bakit gumaganto sya sakin?



Bigla nalang nanikip ang dibdib ko.



Ilang minuto din na ganito ang posisyon ni Gray. Hindi ako nagsalita o kumibo. Kahit naman kasi na pilitin kong ilayo sya sakin ay alam ko naman na hindi naman sya bibitiw.



Nakahinga ako ng maluwag ng umalis na si Gray sa balikat ko at inalis na nya ang hawak sa bebewang ko. Pero kahit na nakalayo na sya sakin ay hindi ko magawang umalis sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ako sa kanya at ganun din sya sakin.



"Erza." Ilang beses na ba nyang binanggit ang pangalan ko ngayong gabi?



Itinaas nya ang dalawa nyang kamay at inilagay nya ito sa magkabila kong pisngi. Nakatingin sya sa mata ko hanggang sa mapansin kong nakatingin na sya sa labi ko. Palapit ng palapit ang mukha nya sa mukha ko kaya alam ko na ang susunod na gagagawin ni Gray.



"Hindi." Hinilig ko ang mukha ko sa kanan. "Hindi ito pwede..." Naramdaman ko ang pagnginig ng mga kamay ni Gray na nakahawak sa pisngi ko.



Hinawakan ko ang magkabila nyang kamay at ibinaba ito. Umatras agad ako ng bahagya para maharap sya. Napansin kong may iba sa mata nya ng lumayo ako sakanya kaya inalis ko ang tingin doon. 



"Hindi na dapat ito nangyayari Gray. Mali ito." Inalis ko ang tingin sakanya dahil ayokong makita ang mukha nya. "M-may J-juvia ka na. Tumigil ka na. Masaya na ko kay Jellal. At alam kong ganon ka din kay Juvia."



Magsasalita pa sana sya pero agad ko syang pinigilan. "Lasing ka lang Gray. "H-hindi mo alam ang g-ginagawa mo ngayon. M-makakalimutan mo rin ito bukas." Yun ang huli kong sinabi sakanya bago ako pumasok sa kwarto.



Ayokong marinig ang sasabihin ni Gray dahil kapag hinayaan ko sya, alam kong may mababago at ayokong mangyari yon.



***
WAHAHAHA! Ganda ng nangyari no? Ang sama ko talagang author hehehe! Comment kayo Guys! =)

Continue Reading

You'll Also Like

4.3K 54 17
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
3K 154 10
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
92.2K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
Connection By Ara

Fanfiction

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...