Titania's First Love [Fairy T...

By DakilangErzaScarlet

16.6K 1K 296

Erza Scarlet Love Story ❤ More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59

Chapter 29

218 17 7
By DakilangErzaScarlet

ERZA



Nakakaisang linggo na kami dito sa sagradong isla. Naging maganda naman ang mga araw na nagdaan sakin. Ngayon ay tatlong araw nalang ang pananalagi namin dito sa sagradong isla ng dakilang si Mavis.



Tungkol naman sa pagsubok ni Master ay kami ni Jellal na ang nangunguna sa ranggo. Sinundan kami nila Natsu at Lucy. At pumangatlo naman sila Elfman at Mirajane.



Inilagay ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko ng biglang humangin ng malakas. Nagpapahinga ako ngayon dito sa malaking puno na malayo sa kung saan naka-pwesto sila Master. Medyo malayo din ang pwesto ko sa dagat kaya kitang-kita ko ang kabuuan nito. Kakatapos lamang namin sa pagsubok at hindi namin nakuha ang pagkapanalo. Pero ganun pa man ay ayos lang dahil kami pa naman ang nangunguna.



Kaylangan kong mapanatili na kami ang manguna at kaylangan kong manalo. Para saan pa ang ipinangalan sakin na 'Titania' hindi ba?



Bumuntong hininga ako at napunta ang paningin ko sa lalaking naglalakad sa gilid ng dagat. Hindi akong pwedeng magkamali, si Jellal iyon.



Pinagmasadan ko ang kanyang galaw. Umupo sya sa maputing buhanginan at pinagmasdan ang dagat.



"Nandyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap."



Agad kong inalis ang tingin ko kay Jellal ng marinig ko ang boses sa tabi ko.



"A-ah, g-gusto ko lang magpahinga." Sagot ko sakanya. Umusad ako upang makaupo sya sa tabi ko.



"Ang ganda dito. Nakakawala ng pagod." Tumango ako sa sinabi nya at niyakap ko ang tuhod ko.



"Anong ginagawa nila don?" Tanong ko sakanya.



"Naglalaro yung iba ng volleyball. Yung iba naman namamahinga." Sagot nya habang nakapikit at nakasandal ang ulo sa malaking puno.



Tumango ako sakanya at muling tumingin sa dagat.



Nahigit ko ang paghinga ko ng makita ko si Jellal na nakatingin sa gawi namin ni Gray. Nakatayo sya ngayon at mukhang seryoso. Hindi ko alam pero sa uri ng tingin nya ay para bang may ginawa akong kasalanan sakanya.



"Erza, ayos ka lang ba?"



Agad kong inalis ang tingin ko kay Jellal ay tumingin kay Gray. "H-ha?"



"Okay ka lang? Bakit nanginginig ka?" Nag aalalang tanong nya sakin. "Ayos ka lang ba?"



"O-oo n-naman. A-ayos lang ako." Tumayo ako at agad na pinagpagan ang suot ko. "Tara na. Bumalik na tayo kila Master."



Kunot noong tumayo si Gray habang nakatingin sakin, na para bang inaaral nya ang bawat galaw ko.



Erza! Ano bang nangyayari sayo! Umayos ka!



Tumikhim ako at pasimpleng lumingon sa dagat. Para bang nawala ang bigat sa paghinga ko ng makita kong wala na si Jellal doon.



"T-tara na Gray." Hinablot ko ang braso nya at naglakad paalis.



---



LUCY



"Levy, pinababalik na kayo don. Malapit na kasi tayong kumain ng hapunan."



"Ay. Sige Lucy. Salamat." Tumayo na sya kasama sila Jet at Droy.



Sino pa ba ang wala...



"Ah! Sila Erza at Gray!"



"Lucy! Nakita ko sila Erza at Gray dun malapit sa dagat! Lumakad ka lang ng konti ay makikita mo na sila!" Sigaw ni Levy.



"Salamat Levy! Ngumiti sya sakin at tuluyan na silang pumunta kila Master.



Ano naman kaya ang ginagawa nung dalawa don?



Nagsimula na kong maglakad papunta sa kinalalagyan nung dalawa. Pansin ko lang ha, nitong nakaraang araw lagi nalang silang magkasama. Daig pa nga nila yung mag partner eh. Parang nakalimutan na nilang may Jellal at Juvia.



Malakas talaga ang pakiramdam ko na may something sa dalawa...



"Erza! Gr--"



ANO YON?!



Kinusot ko ang mata ko at muling tumingin sa dalawa.



Bakit...



BAKIT NAG KISS SILA?!



Dahil sa nakita ko ay bigla akong nataranta at tumingin tingin sa paligid. Napahinto ako sa pagkataranta ng may mapansin ako sa may malalaking halamanan dito sa di kalayuan sa pwesto ko.



May tao?



Malakas ang pakiramdam ko na tao yun kaya naman pinakatitigan ko kung sino yon. At ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng makilala ko kung sino yung nagpagalaw sa malalaking dahon dahil umalis ito.



"Jellal?" Mahinang bigkas ko.



Anong ginagawa nya dito? N-nakita nya kaya yung... Yung...



Ah basta! Malamang nakita nya yun Lucy! Ikaw nga nakita mo eh! Sya pa kayang malaking lalaki?!



Nagkibit-balikat nalang ako at tumingin ulit sa dalawa na ngayon ay nakatingin na sa may dagat at magkahawak ang kamay.



WAAAAAH!! MAY SOMETHING NGA SA DALAWA!!



"Kumalma ka Lucy! Kumalma ka!" Bulong ko sa sarili ko at umupo muna para hindi ako makita ng dalawa. Buti nalang at malalaki ang dahon dito kaya naman hindi ako mapapansin na nandito ako.



Mahirap na, baka makita ko ni Erza. Takot ko lang sakanya...



Takip bibig ako sumilip sa awang ng dahon. Ganun parin ang pwesto nung dalawa, magkahawak ang kamay habang nakatingin sa dagat. Napansin kong papalubog na ang araw at malamang pinapanuod nila itong mawala.



Ang sweet naman nila...



Dahil sa nakita ko ay nasagot ko na ang sarili kong katanungan. Kumpiramado nga talaga na may something sakanila. Baka nga si Gray at Erza na eh. Hindi lang siguro sinasabi samin.



Parang nakakatampo naman kung sila na tapos hindi nila sinabi samin. Para bang hindi nila kami kaibigan...



"Tara na. Lumubog na ang araw. Malamang ay kakain na tayo."



"Sige."



Hindi parin ako gumagalaw sa kinauupuan ko hanggang sa maglakad na sila papunta sa kinaroroonan nila Master.



Para bang gusto kong mahimatay ngayon...



HINDI KO KINAYA ANG NANGYARI KANINA!!!!



***

Continue Reading

You'll Also Like

121K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
11.5M 335K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
144K 2.8K 62
Engagement - Married Life - New Beginnings