Plan G

2 0 0
                                    

Malaking dagok at sakit ang idinulot ng mga lockdown noong 2020 sa atin dahil madaming plano ang hindi na nangyari or hindi nangayari sa taon na iyon.
Ang daming scheduled travel tour ang na cancelled, ung iba nga nakapagdown na at hanggang ngayon ay di pa refund or magamit ung pinangdownpayment nila. May mga naghanda ng magarbong kasal pero dahil sa pandemic ay hindi ito natuloy o napunta na lang silang sa isang simpleng kasalan. May mga magdadaos ng bonggang birthday party sana pero dahil sa pandemic nausad na lang after 2 years ang party.
Pero kahit pa nakakadismaya ang mga naudlot na plano na ito at napapagtatanong tayo kay Lord ng "Why naman?" Ay nagkaroon din ito ng magandang dulot.
Merong magmamamigrate at magwowork sana sa ibang bansa pero dahil sa lockdowns ay di na siya natuloy sa pag alis. Nagkaroon siya ng opportunity na sumali sa isang singing contest at pinalad syang maging grand champion nito. Kaya naman natuwa siya na hindi man siya nakaalis sa Pilipinas ay natupad naman ang pangarap niyang maging singer at ipakita sa ibang tao ang talento niya sa musika.
Marami ring nakadiscover ng mga sari sarili nilang talents ng dahil sa pandemic, magaling pala silang magluto, magbake, magpaint, may green thumb pala sila sa pagtatanim at magaling pala silang sumayaw sa Tiktok.
Ang paalala ni King Solomon sa Kawikaan 19:21
Marami tayong mga pinaplano, ngunit ang kalooban pa rin ng Panginoon ang masusunod.

Sa tuwing mabibigo tayo ay ipanalangin din natin marealize natin kung ano ang gusto sa ating ituro ng Diyos sa kabila ng mga plano nating hindi natutuloy.
Di man mangyari ang ating mga plan A, B, C... magtiwala tayo sa Plan G. Plan ni God.

Panalangin

Lord God, masakit po na may mga plano kami at mga pangarap na hindi na tutuloy pero ganon pa man ay magtitiwala kami na ang Plan G Niyo ang pinakanakakabuti sa amin.

Time with GodWhere stories live. Discover now