Just Walk on Water

6 1 0
                                    

Wala man sa plano namin ang magstay sa resort / hotel na iyon sa Bolinao ay nagpapasalamat ako sa Diyos at pinarating Niya kami sa lugar na iyon.
Pagbukas namin ng bintana pagkagising namin ng umaga ay nagulat kami sa sobrang babaw ng tubig sa Patar beach at nakita namin ang tila mga maliliit na isla na rock formation nito na kapag kahapunan na ay nagiging dagat na. Natuwa kami nang makita namin ang daming turista na humahakbang at tumatakbo sa mga bato at tubig at nagpapapicture sa mga waves at kinacapture ang kaiibang ganda at experience na ito.
Naexcite akong bumangon at lumabas ng kuwarto upang iexperience din ang kaiibang tanawin na ito.
Lumusong ako sa tubig (na hanggang tuhod ang pinakamataas) upang makaapak sa mga naglitawan na mga bato na medyo malayo na sa pampang.
Mahirap din ang lumusong sa dagat maslalo na kung mabato, (hindi siya kasing dali ng paglusong sa baha) andyan ung kakapain mo pa kung malalim na ang nilalakaran mo, isama mo pa ung mga waves / current sa dagat na parang itutumba ka at dahil sa takot mo ay parang gusto mo na lang bumalik at ingat na ingat ka na baka mabigla ka at mahulog ang hawak mong celphone. Pero habang naglalakad ako ay napapahinto ko dahil sa babaw ng tubig at kalinawan nito ay kitang kita na ang mga magagandang isda na lumalangoy sa dagat. No need for snorkel at di mo na need mag scuba diving... just walk on water.
Habang naglalapakad ako sa mga bato at lumulusong / tumatawid sa dagat ay naiisip ko si Pedro sa Mateo 14, nang makita niya si Hesus na lumalakad sa tubig ay sinabi niya ritong gusto rin niyang lumakad sa  ibabaw ng tubig katulad ni Hesu Kristo.
Jesus told him to do so at bumaba nga si Pedro sa bangka upang lumapit kay Kristo. Peter walk on water pero nang dumating ang malakas na hangin ay nag-alinlangan siya, na feel niyang lulubog siya at humingi siya ng saklolo kay Hesus. Hinawakan ni Hesus si Pedro at sinabing "Kay liit ng iyong pananampalataya, bakit ka nag aalinlangan?"
May times sa mga pagsubok sa buhay natin na sasabihin sa iyo ni Lord na wala kang ibang gagawin kundi just walk by faith. Handa ka na bang sumunod at ibigay ang buong pagtitiwala sa ating Panginoon and lumakad kasama Siya na walang pag aalinlangan? Katulad ng naranasan kong paglakad sa dagat ng Patar ay alam kong may maganda at himala ka ring masasaksihan sa iyong kapag ikaw ay lumakad kasama si Kristo.
There is beauty in walking on waters ... walk by faith!

Mateo 14:29-31
[29]At sinabi niya, Halika. At lumunsad si Pedro sa daong, at lumakad sa ibabaw ng tubig upang pumaroon kay Jesus.
[30]Datapuwa't pagkakita niyang malakas ang hangin, ay natakot siya, at nang siya'y malulubog, ay sumigaw, na nagsasabi, Panginoon, iligtas mo ako.
[31]At pagdaka'y iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya, at sa kaniya'y sinabi, Oh ikaw na kakaunti ang pananampalataya, bakit ka nag-alinlangan?

Panalangin

Lord Jesus, inaamin ko po, na kahit ako po ay Kristyano na ay tulad ni Pedro ay nagkakaroon pa rin po ako ng pag-aalinlangan sa aking pananampalataya sa Inyo. Lord katulad ng pagrescue Niyo kay Pedro ay tulungan Niyo rin po akong kumapit sa Inyo, kumapit sa Inyong mga salita at mga pangako at magkaroon ng kaligayahan at kapayapaan sa aking puso na may kasamang pasasalamat at pagpupuri sa Inyo.

Time with GodWhere stories live. Discover now