Ang Bilin ni Florante

28 1 0
                                    

Sa Kabanata 15 ng Florante at Laura ay naging sikat ang mga katagang ito:

197   Pag-ibig anaki'y aking nakilala,
'di dapat palakihin ang bata sa saya;
at sa katuwaa'y kapag namihasa,
kung lumaki'y walang hihinting ginhawa
198   Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis,
namamaya'y sukat tibayan ang dibdib;
lumaki sa tuwa'y walang pagtitiis ...
anong ilalaban sa dahas ng sakit?
202   Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad
sa bait at muni't sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak.
203   Sa taguring bunso't likong pagmamahal,
ang isinasama ng bata'y nunukal;
ang iba'y marahil sa kapabayaan
ng dapat magturong tamad na magulang.

Sinasabi ng manunulat na si Balagtas na wag spoilin ang mga anak or mga bata bagkus ay lagi silang turuan ng magagandang asal, disiplina at pagtitiis.
May point naman kasi si Balagtas ang maayos na pangangaral at pagdidisiplina ay bilang paghahanda na rin sa kanilang pagtanda kung saan makakaencounter sila ng mga problema, paghihirap at unos sa buhay.
Normal kasi naman talaga na ang isang bata ay maging pasaway kaya dapat maaga pa lang ay ituro na nating mga nakakatanda kung ano ang tama or kalugod lugod sa Diyos.
Importante na sa nga bata rin nilang edad ay tinitrain na natin sila sa pagiging Kristyano katulad na lang ng lagi nating ipapaalala sa mga bata ang kagandahan at importansya ng panalangin. Iexpose din natin sila sa mga bible stories na magpapainspire sa at magdadala nila hanggang sa kanilang paglaki. Ipanalangin din natin sa Panginoon na gabayan Niya tayo sa pagpapalaki ng mga batang ito.
Mga magulang, mga guardian, hindi natin hawak ang future ng mga anak o alaga natin. Pero kung sa batang edad pa lang ay tuturuan na natin sila ng disiplina, magandang kaugalian at iexpose sa mga Salita at gawain sa Panginoon makakatiyak tayo na anumang pagdaan nila sa kanilang paglaki ay may babalikan silang magagandang katuruan mula sa atin at sa Biblia na gagabay sa kanilang journey ng buhay.

Ituro sa bata ang tamang pag-uugali, at hindi niya ito malilimutan hanggang sa kanyang pagtanda.
Likas sa mga bata ang pagiging pilyo, ngunit magiging matuwid sila kung didisiplinahin.
Kawikaan 22: 6, 15

Panalangin
Tinataas po namin sa Inyo Panginoon ang aming nga kabataan. Lord may mga pagkakataon po na hindi po namin alam kung paano po namin palalakihin ng maayos ang mga batang ito. Dalangin po namin na Kayo po ang maging mentor o gabay naman sa pagpapalaki sa kanila. Nawa gawin Nyo po silang mabubuting tao at lumalaking kalugodlugod sa Inyo.

Time with GodWhere stories live. Discover now